Rhen Rhen Vlog
• Personal Vlogging • Business Vlogging •
14/09/2026
Nak, Ate… parang kailan lang. 🥺❤️ Ngayon, malapit mo na akong matangkaran! 😂 Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak kapag naiisip kong yung munting batang dati-rati ay karga-karga ko lang, ngayon ay unti-unti nang nagiging dalaga. 💁♀️🤷♀️
Dito rin natin unang nalaman na may sakit pala si Mama. 🥺 Yung panahon na dapat sana mas inalagaan ko ang sarili ko at nagpahinga, pero hindi puwedeng basta mag-inarte ta mahirap lang ang buhay, anak! 😂🤣 Kailangan kumayod, kailangan magtrabaho, kasi may magiging anak akong kailangang buhayin at ipaglaban. Kaya kahit pagod, kahit masama ang pakiramdam, kahit may mga araw na gusto na lang humiga ni Mama, kailangan bumangon at magpatuloy. 🤗💪
Sorry, anak, kung noong nasa sinapupunan pa lang kita, ang dami mo nang pinagdaanan kasama ni Mama. Sorry kung sa sobrang pagod at batak ni Mama sa trabaho noon, lumabas ka nang wala sa oras. Sorry kung naubusan ka ng tubig sa loob ng sinapupunan ko. Sorry kung kakalabas mo pa lang sa mundong ito, kinailangan mo nang maranasan na masudsod ang ilong mo dahil napuno ito ng dugo at parang sipon. 🥺 Sorry kung bagong silang ka pa lang pero kinailangan mo na agad ma-oxygen. At sorry, anak, kung habang inoopera si Mama, sinesermonan pa tayo ng doctor natin dahil manganganak ako nang wala sa oras, nag-labor pa ako kahit hindi sana pwede, at late pa tayong nakarating sa hospital. 😭🥺
Kapag binabalikan ko lahat ng iyon, hindi ko maiwasang maiyak. Pero bilib ako sayo kasi medyo chubby kang lumabas, anak. Ang dami mong pinagdaanan bago pa man kita mayakap nang mahigpit. Pero tingnan mo naman ngayon… may dalaga na talaga ako! 🥺❤️ Dalagang mana kay Mama na medyo boyish! 😂 Noon, nasusuotan pa kita ng mga girly na damit, naaayusan at nalalagyan pa kita ng mga kolorete. Aba, ngayon ayaw mo na! 😂🥺 May sarili ka nang gusto, sariling style, sariling personality at doon ko mas lalong nararamdaman na hindi na talaga ikaw yung maliit kong baby noon. 🥺
Parang kailan lang, anak… pero ang laki-laki mo na. 🥺 At mas nakakataba ng puso dahil habang lumalaki ka, nakikita kong lumalaki rin ang puso mo. Napakamaintindihin mo sa ading mo. Halos pareho kayo ng pinagdaanan noong maliliit pa kayo, pero ngayon, habang tinitingnan ko kayo ~ ang lalaki, ang lulusog, ang kukulit at ang lalakas niyo na. ❤️
Minsan gusto kong ibalik kahit saglit yung panahon na kasya pa kayong dalawa sa mga bisig ko. Pero alam kong hindi ko kayang pigilan ang oras. Kaya habang unti-unti kayong lumalaki, susulitin ko na lang ang bawat yakap, bawat tawag niyo ng “Mama,” bawat kulit, bawat lambing at bawat pagkakataong kailangan niyo pa ako. 🥺💪
Ate, kahit gaano ka pa katangkad, kahit maging dalaga ka na at dumating ang araw na magkaroon ka na ng sarili mong mundo, tandaan mo—sa mga mata ni Mama, ikaw pa rin yung munting batang ipinaglaban kong mailabas nang ligtas sa mundong ito. ❤️
Salamat, anak, dahil kinaya mo. Salamat dahil lumaban ka kasama ni Mama. At higit sa lahat, salamat dahil ~ heto ka ngayon - malaki, malusog, mabait at mapagmahal na Ate sa ading mo. 🥺❤️
Parang kailan lang… mga baby ko lang kayo. Ngayon, ako na yata ang kailangang humabol sa paglaki niyo. 😭😂❤️
Mahal na mahal kita Ate. Habang buhay. 🥰
-Mama Rhen 💕
14/09/2026
Nak, parang kailan lang… 🥺❤️ Sobrang chubby mo dito. Sino ba naman ang mag-aakalang magiging ganito ka ka-chubby noon, gayong ipinanganak ka nang wala sa tamang araw, sobrang liit at payat mo, nangingitim na halos ka-kulay ka na ng talong, at higit sa lahat, na-cord coil ka pa. 😭
Sorry, anak, dahil kahit nasa loob ka pa lang ng sinapupunan ko, ang dami mo nang pinagdaanan. 🥺 Sorry kung halos araw-araw nawawalan ng malay si Mama noon. Sorry kung kahit buntis ako sa’yo, babad pa rin ako sa trabaho at kung anu-ano ang ginagawa ko. Hindi pa man kita nahahawakan at nayayakap noon, parang kailangan mo nang maging matatag kasama ni Mama. 🥺💪
At nang lumabas ka sa mundong ito, hindi rin naging madali ang unang mga araw mo. 😭 Naranasan mong hindi makainom ng gatas nang mahigit isang linggo, bulak lang na sinasawsaw sa tubig ang ipinapadampi sa bibig mo, at limitado pa yon. Naranasan mo ring paulit-ulit na tapikin ang maliit mong dibdib para lang umiyak ka at makita nilang kaya mo, dahil noon, kapag umiiyak ka, nahihirapan kang huminga na halos natitigil ka na talaga sa pag-hinga at sobrang nangingitim ka. 💔
Ang mas nakakapanghina pa, Nak, ay nang sabihin sa atin ng OB na kung tumagal ka pa raw nang kahit tatlong oras sa loob ng sinapupunan ko, malaki ang posibilidad na hindi ka na nila nailigtas… at si Mama naman ay maaaring nag-50/50 din dahil sa sakit na meron ako. 😭🥺 Hanggang ngayon, kapag naaalala ko iyon, hindi ko maiwasang isipin kung gaano pala tayo kalapit sa pagkakataong hindi na natin makasama ang isa’t isa. 😭🙇🏻♀️
Ang sakit balikan bilang Mama, pero kasabay ng sakit ay sobrang pasasalamat ko. Dahil tingnan mo ang sarili mo ngayon, Nak… 🥹 Parang kailan lang, kasya ka pa sa mga braso ko. Parang kailan lang, takot na takot akong baka hindi kayanin ng maliit mong katawan ang lahat ng pinagdadaanan mo. Pero ngayon, ang laki-laki mo na. ❤️
Habang lumalaki ka, mas lalo kong naiisip kung gaano kabilis lumipas ang panahon. Yung batang minsan ay ipinagdasal ko lang na sana kayanin ang bawat araw, ngayon ay lumalaki na sa harapan ko. Aba! Bulataw at dancerist pa ngani! 😉🥺
Kung pwede ko lang bagalan ang oras, gagawin ko. Pero habang patuloy kang lumalaki, tandaan mo sana na kahit gaano ka pa katangkad, katanda, o kalaki… ikaw pa rin ang baby ni Mama. 🤗💕
I love you so much, Nak. Salamat dahil lumaban ka noon. Salamat dahil nandito ka. At habang buhay, ipagpapasalamat ko na ako ang naging Mama mo. 🥺❤️
-Mama Rhen 💕
Ang galing-galing naman ng Phiatot at Bunsoy ko! 👏🥺🥰
Panissssss ah! 😃🤭
Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang, inihehele ko pa kayo sa mga bisig ko. Ngayon, kabardagulan ko na kayo at parang BFFs na lang tayo! 😂💕
Ang sarap lang isipin kung gaano kayo kalaki at kung gaano na tayo ka-close. From baby talks to bardagulan real quick! 🥹😂
I love you so much, Phiatot & Brayden ko! 💕 Kayo pa rin ang mga baby ko, kahit feeling niyo grown-up na kayo at may sarili na ring opinion minsan. 🤣🤪❤️
🙇🏻♀️🥹
You choose to take the risk because living with “what ifs” is worse than failing. 🙇🏻♀️🥹
Huehuehue!! 😩
Mana yan sa mama ne? 🤪😂
Iloveyou nak ❤️💕
゚
Ilang butil kaya nang kanin yon? 😂🤣
Paki-bilang nga 🤪😭
Cherry Ann Baldevarona
Ces Garces
Del TA Nga
Sesa Sii
Mar Ce Lo
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Echague
3309