Banban BCPC
Located at the southern part of Conner where people are coming from different tribes.
29/12/2025
2nd Banban BCPC Child-Led PROGRAM 12/29/25
RA No. 91130
Matagumpay na naisagawa ang talakayan ukol sa OSAEC-CSAEM (Online Sexual Abuse and Exploitation of Children at Child Sexual Abuse and Exploitation Materials) sa pangunguna ng ating SK Chairperson. Ang diskusyong ito ay nagpalawak ng kaalaman at kamalayan ng kabataan at komunidad sa mga panganib na dulot ng online abuse at kung paano ito maiiwasan.
Sa pamamagitan ng malinaw at makabuluhang pagpapaliwanag ni Genpsy Pacada, binigyang-diin ang mahalagang papel ng bawat isa—lalo na ng kabataan—sa pagprotekta sa sarili at sa kapwa. Ang kaalamang ito ay magsisilbing sandata upang makapag-ulat, makaiwas, at makatulong sa pagpigil sa anumang uri ng online pang-aabuso.
Sama-sama nating wakasan ang OSAEC-CSAEM. Ang kaligtasan ng mga bata ay responsibilidad nating lahat. 💙
29/12/2025
2nd BANBAN BCPC Child-Led PROGRAM-12/29/25
Ang selebrasyon ng Children's Month ay tuwing Nobyembre subalit nagkaisa ang konseho ng barangay sa pamamagitan ng pag-endorso ng barangay focal ng BCPC na si kagawad Mary Jane MaryJane Casibang at ng mga kinatawan ng mga bata sa barangay sa pamumuno ni Skiegh Pacada na idaos ito sa Disyembre upang walang dahilan na hindi makadalo ang mga rehistradong bata sa nasabing programa.
Matagumpay na naisagawa ang BCPC Program na may temang “Wakasan: Kaligtasan at Karapatan ng mga Bata, Ipaglaban.” 🤝
Isang paalala na ang kaligtasan, dignidad, at karapatan ng bawat bata ay dapat pangalagaan at ipaglaban ng buong komunidad.
Sama-sama nating wakasan ang karahasan at pang-aabuso, at itaguyod ang isang ligtas at makataong kinabukasan para sa ating mga kabataan.
👧🧒
Nagsimula ang programa sa oamamagitan ng pambungad na panalangin mula kay Kagawad Edna Agustin, kasunod ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Jonalian Apadan Abad, bise presidente, at ang pagbigay ni Myra Banad Awingan Myra Awingan ang focal ng child and youth ng statement of the purpose, welcome address mula kay kagawad Martin Gante, mensahe mula sa mga opisyal ng barangay, kagawad Marlon Basconcillo Zingabo, at iba pa.
Kasunod nito, naging mas makabuluhan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng isang masaya at makahulugang Christmas Program, na naghatid ng ngiti, pag-asa, at diwa ng pagmamahalan sa ating mga kabataan. 🎄✨
Ganoon na rin ang pagdistribute ng Advocacy T'Shirt.
Congratulations to the LET Passers from Banban 👏👏👏
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
3807