Aldrin AN

Aldrin AN

Share

I CAN DO ALL THINGS THROUGH CHRIST WHO STRENGTHENS ME

PHILIPPIANS 4:13

16/06/2023
23/05/2023

Be strong and never stop believing in yourself no matter what you face. In life, you'll face a lot of ups and downs that will challenge your potential and push you to your limits, don't give up. You have everything needed to face any hurdle or handle any failures that come along your way, believe in your abilities and never doubt your potential. Be strong and keep fighting, tough times don't last.

21/05/2023

Magandang Balita Biblia. Juan 17:1-11
[1]Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.
[2]Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak.
[3]Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
[4]Inihayag ko sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinapagawa mo sa akin.
[5]Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig.
[6]“Ipinakilala na kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa daigdig. Sila'y iyo at ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita.
[7]Alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo;
[8]dahil itinuro ko sa kanila ang mga aral na ibinigay mo sa akin, at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako'y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.
[9]“Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo.
[10]Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila.
[11]At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa.

19/05/2023

Magandang Balita Biblia. Mga Gawa 6:9-15
[9]Minsan, nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi ng sinagoga ng mga Pinalaya, na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia.
[10]Ngunit wala silang magawâ sa karunungang kaloob ng Espiritu kay Esteban.
[11]Kaya't lihim nilang sinulsulan ang ilang lalaki na magpatotoo laban sa kanya ng ganito, “Narinig naming nilalait niya si Moises at ang Diyos.”
[12]Sa gayon, naudyukan nilang magalit kay Esteban ang mga tao, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y sinunggaban nila at dinala sa Sanedrin.
[13]Nagharap sila ng mga sinungaling na saksi laban kay Esteban. Sinabi nila, “Ang taong ito ay walang tigil ng pagsasalita laban sa banal na Templo at sa Kautusan ni Moises.
[14]Narinig naming sinasabi niya na ang Templo raw ay gigibain nitong si Jesus na taga-Nazaret, at papalitan ang mga kaugaliang ipinamana sa atin ni Moises.”
[15]Si Esteban ay pinagmasdang mabuti ng lahat ng nakaupo sa Sanedrin, at nakita nila na ang kanyang mukha ay parang mukha ng anghel.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Cavite?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address

Binakayan, Kawit
Cavite
4104