GO for HIS GLORY

GO for HIS GLORY

Share

Blessed day to all!� This will stand as a Christian created page.

Let's help to encourage one another and build relationships with God through sharing and listening His words.

29/07/2025

Awit 84:10
Kahit isang araw lamang, mas gusto ko sa templo mo, kaysa isang libong araw na iba ang tahanan ko. Gusto ko pang maging bantay sa pinto ng iyong templo, kaysa ako'y tumira sa bahay ng mga palalo.

SA TAHANAN MO

Tahanan Mo ba'y ano?
Lukluka'y anong kapareho?
Anong uri ng palasyo ang maikukumpara dito?
Saligang pader ay puno ng mamahaling bato,
Nariyan ang jasper, safiro't kalsedonia—
Esmeralda, Onise at kornalina
krisolito't berilyo at topaz —
krisopraso, hasinto at amatista.
Perlas ang labindalawang pinto
Lansanga'y purong ginto,
Kumikinang na kristal ay bumubuo rito.

Ikaw ang nagsisilbing Templo at Kordero,
Liwanag ng araw at buwan ay 'di na kailangan,
Pagka't tanglaw doo'y Iyong kaluwalhatian
Tao'y lalakad sa ningning at liwanag
Pinto ng Iyong tahanan ay 'di na sasarhan,
Pagka't gabi ay di na sasapit ni mababanaag,

Siphayo't kalungkuta'y di na sasapit,
Kamataya't dalamhatì 'di na matitikman ang pait,
Pagtangis at paghihirap ay 'di na mararanasan pang muli,
Pagkat kapahingahan ang Iyong sukli,
Sa paglalakbay ng Iyong anak, na hanap ay kandili.

Anong halaga ng yaman ng mundo,
Kung sa piling mo naman, ako ay bigo?
Anong halaga ng tagumpay ko,
Kung lugmok ako sa pagsunod Sayo?
Anong halaga ng handog ko,
Kung hindi ito bukal sa puso?
Anong halaga ng buhay ko,
Kung hindi ko maibabalik Sayo?
Ang makasama Ka, ang tanging hangad ko,

Kagalakang Ikaw ang nagkaloob ay tunay na yaman,
Kaysa pansamantalang kasiyahang nililok ng kamunduhan,
Lungkot at pagtitiis ay higit na mainam,
Kung ito'y paraan upang ako'y turuan,
Kaysa pagpapasasa sa buhay, ng walang katuturan
At hindi iniisip ang tunay na patutunguhan.

Nais kong manahan sa templo Mong magpakailanman,
Kaysa palasyo ng mundong kumukupas kapag taon na ang binilang,
Nais kong lakaran ang mabato't matinik na daanan na Ikaw ang aking kahawak,
Kaysa sundin ang layaw ng mundong—
daanan ma'y patag sa duloy paghamak.

Purihin! Purihin! Ang Diyos na Banal
Tanyag at Dakila, Walang makapapantay.

26/07/2025

You are the great warrior you wanted to know.
You are stronger than before!

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Catarman?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Catarman
6418