Chief JAB

Chief JAB

Share

Confidently beautiful, proudly wearing the badge 👮🏻💙

Photos from PNP Police Regional Office Mimaropa's post 08/06/2026
Photos 09/05/2026
28/04/2026

POLICE DUO, NAGSALBA SA BUHAY NG ISANG BABAE SA TINEG, ABRA

Isang mabilis at maagap na pagtugon ng dalawang pulis ang nagligtas sa buhay ng isang babae matapos mawalan ng malay at hirapang huminga sa Brgy. Caganayan, Tineg, Abra, hapon noong Abril 24, 2026.

Bandang 4:30 PM, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Tineg Municipal Police Station matapos makatanggap ng tawag hinggil sa isang babaeng nasa kritikal na kondisyon dahil sa iniindang sakit.

Hindi nagdalawang-isip sina PSSg Cris Mark Tandingan at PCpl Joe Mark Madiam na agad puntahan ang lugar. Sa kanilang pagdating, mabilis nilang sinuri ang sitwasyon at, sa kabila ng hamon sa lokasyon at kondisyon ng pasyente, maingat nilang binuhat ang babae mula sa kanilang tahanan upang madala sa agarang lunas.
Isinugod siya ng mga pulis sa pinakamalapit na klinika at nanatili sa kanyang tabi hanggang sa siya ay maging stable, bago tuluyang inilipat sa Abra Provincial Hospital para sa mas masusing gamutan.

Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., “Sa mga ganitong pagkakataon, ang pulis ay katuwang ng bawat Pilipino sa oras ng pangangailangan. Ito ang tunay na diwa ng serbisyo—handang kumilos, handang tumulong, at handang magligtas,” ani PGen Nartatez.

Ang insidenteng ito ay muling nagpapatunay sa dedikasyon ng kapulisan handang tumugon, handang tumulong, at handang magmalasakit anumang oras.

Sa ilalim ng mas pinatibay na direksyon ng kapulisan, patuloy na isinasabuhay ang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.

(PNP-PIO)

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calapan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Suqui
Calapan