Titang Ina At Your Service

Titang Ina At Your Service

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Titang Ina At Your Service, Entrepreneur, Calamba.

17/09/2025

Nagbabalik! 😊

10/08/2025

BAGSAK PRESYO!!!! EBOOK + TEMPLATES + LEARNING MATERIALS BUNDLE NA PUWEDE MONG MAGING SIDE HUSTLE? PUWEDE N'YO NANG MABILI FOR ONLY 45 PESOS! ALL-IN NA! 😊

βœ… LIFETIME ACCESS
βœ… EDITABLE / PRINTABLE / DOWNLOADABLE
βœ… DONE-FOR-YOU PRODUCTS
βœ… 100% LEGIT & WORTH IT
βœ… CAN GENERATE PASSIVE INCOME
βœ… SELL ALL YOU WANT
βœ… WITH MRR & PLR
βœ… 15M+ DIGITAL PRODUCTS

Patok ito para sa mga:

Entrepreneurs, content creators, aspiring online sellers, freelancers, small business owners at mga side hustlers who want to build income streams with ready-made digital products. Kahit baguhan ka lang sa ganitong larangan, G pa rin!

FB page: Titang Ina At Your Service
Mode of Payment: GCash / Maya

Sobrang sulit nito. Message n'yo lang ako, guys! Send ko sa inyo kasama sa package. Thank you.

01/07/2025

Kung may kailangan kang ipabili sa SM Calamba o kung saan mang grocery store/supermarket dito sa Calamba pero wala kang mautusan, hindi kayang isingit sa schedule mo o simpleng tinatamad kang lumabas dahil maulan, puwede kitang matulungan diyan. Message mo lang ako! 😊

19/06/2025

Espresso-based at non-coffee drinks? Yakang-yaka ni Baristang Ina iyan! Naranasan ko nang maging Officer in Charge (OIC) sa isang coffee shop kaya somehow, alam ko na po kalakaran sa isang small-time business. Barista rin po talaga ako (with NCII) na kayang mag-all around. Willing pa rin akong matuto along the way. Marami pa akong gustong alamin at tutukan sa field na ito.

Puwede n'yo akong i-hire ng part-time lang at puwede ring full-time kung gugustuhin ninyo. Kaya kong magtrabaho from Mondays to Saturdays, Holidays, from 10 AM to 7 PM, 11 AM to 8 PM, 12 NN to 9 PM basta within Calamba lang po. Sana po may kasamahan/karelyebo akong Barista rin. Kung sa ibang lugar kayo nakapuwesto or naka-destino na medyo malayo sa Calamba, sana may free board & lodging na safe ang area pati mga makakasama.

80 pesos per hour po ako bilang isang Baristang Ina. Hindi lang naka-assign sa drinks kundi sa iba ko pang kayang gawin sa store. 😊

18/06/2025

"Bakit kotse ng client ang gagamitin?"

For my safety po at para rin mas comfortable si client dahil sarili niyang sasakyan ang gamit. Mas alam niya ang kondisyon ng kaniyang oto/sasakyan. Hindi po siya magrereklamo kung mahina ang air con o kapag nagkaaberya ang sasakyan sa daan. Sagot din po niya ang gas at toll sa bawat lakad.

Driving services ko lang po ang i-a-avail ni client kung sakali. Kaya ko pong maghintay kung may errands, okasyon o ibang lakad po kayo. Rest assured na habang naghihintay, eh hindi ko gagamitin ang sasakyan para sa sariling lakad/convenience. Iiwan ko rin ang valid ID ko sa inyo para sa security ninyo.

Maingat po akong magmaneho (family ko po witness diyan at iba pang kakilala). Naging personal driver na rin po ako ng boss ko dati. Both manual & matic po ang kaya ko. Kahit pang-karera iyan, SUV at van pa iyan. Since college, driver na po ako. 32 years old na ako, driver pa rin. Haha.

Nakakapagmaneho po ako sa NCR and South Luzon (Calamba to Cavinti). Kahit sa NLEX po, kahit pa-Baguio pa iyan. Kahit pa-Batangas at Quezon din.

Para sa gustong ng lady driver, message lang kayo. 😊

MAGKANO? 100 pesos per hour lang po.

17/06/2025

βœ… Kayang tumulong sa errands, office works and businesses ninyo.
βœ… Kayang magmaneho ng automatic and manual transmission na sasakyan ninyo kaya puwede n'yo akong gawing personal lady driver.
βœ… Kayang maging food/coffee/chika/rant buddy sa presyong swak lang sa bulsa.
❌ Huwag n'yo lang uutangan at lolokohin kasi bawas points po kayo sa langit. Ehe!

17/06/2025

Naalala ko noong 2nd or 3rd month ko sa work ko bilang Barista sa isang coffee shop, may nakausap akong mga students na gustong mag-film at gawing location ang coffee shop. Inasikaso ko sila, pinakisamahan, nakipagsabayan ako sa trip nila kasi gano'n akong mag-value ng customers.

Tapos merong student na madalas nang lumalapit sa akin para makipagchikahan at doon ko napag-alaman na meron siyang pinagdaraanang malala. There was a time nagpasalamat siya kasi may napag-share-an siya ng thoughts and emotions niya, na hindi niya magawa sa harap ng family and friends niya. Hindi ko expected iyon.

Hindi lang isang beses nangyari ang gano'ng scenario sa akin kundi maraming beses na. Napansin ko iyon noong college student pa ako. Kahit first time ko pa lang na-meet ang tao, parang ang tagal-tagal na naming magkakilala at nakakapag-open up na agad siya. Hanggang ngayon, nadala ko siguro 'yong energy at aura na iyon. Na puwede mo akong lapitan anytime at kahit hindi tayo maging magkaibigan... at least gumaan pakiramdam mo. πŸ₯Ί

Kaya siguro may Titang Ina At Your Service akong nabuo. Iyong mga taong 'yon ang nagbigay ng hope sa akin bukod sa mga taong mahahalaga sa akin. Kaya push ko lang 'to.

Kung may questions kayo about my Titang Ina services, message n'yo lang ako. Thank you.

16/06/2025

Sa background lang ako, rooting for you guys. πŸ˜‰

Kung nahihiya ka pang magkuwento sa family and friends mo tungkol sa ka-date mo o wala ka namang mahatak papuntang mall/cafe/restaurant/park, message mo lang ako. Doon lang ako sa paligid, nakabantay sa inyo. Presyong frenny lang para sa 'yo. 🫢

16/06/2025

Yeah, you've got a friend in me! Baka Titang Ina iyan. πŸ˜‰πŸ«Ά

Para sa services & rates, paki-check po itong page ko or DM lang kayo. Maraming salamat!

14/06/2025

Bakit hindi? Chareng! πŸ€ͺ

Ano nga bang meron kay Titang Ina eh halos lahat naman ng tao ay kayang i-offer ang ganitong klaseng serbisyo? Kumbaga, marami pa ngang mas professional at experienced na highly recommended kaysa sa kaniya. So bakit siya? What's the catch?

Dito, hindi mo kailangan maging pormal at perpekto. Okay lang na free-flowing at spontaneous ang lahat. May space para sa imperfection at palaging may room for improvement. Ayos lang na maging totoo ka sa sarili, no filter, walang mahirap o mayaman, walang matalino o sabaw, walang magsasapawan, walang usapang religion at politics, walang intimidate intimidate dito, walang manghuhusga kung ano o paano ka lumaki at namuhay. Kahit anong emosyon mo, magiging valid. Magiging patas lang ang trato sa lahat ng may balak mag-avail ng services niya.

Sabi rin ng iba, advisable magsabi sa stranger ng mga hinanaing at hanash sa life kasi hindi ka basta iju-judge. Well, hindi lahat kayang maging safe person at aware tayo roon, pero kay Titang Ina... may freedom ka, at the same time may SECURITY. Hindi guard, hindi bank. Nyehe! Sa madaling salita, hindi makakalabas ang mga malalaman at maririnig niya mula sa 'yo. Kahit full details mo, 100% safe. Para kang pumirma ng NDA (Non-Disclosure Agreement) dito.

Hindi ka mapapahiya rito, hindi kukuwestyunin kung bakit kailangan mong humingi ng tulong sa kaniya, hindi mo kailangang mag-alinlangang lumapit dahil 'tulad mo, karaniwang tao lang din siya na gusto lang ding makaraos sa buhay araw-araw. Katulad ng karamihan, gusto rin niyang gawin ang best niya para makatulong sa iba at para matulungan din niya ang sarili in a way na mafu-fulfill siya.

Hindi lang ito "negosyo" for Titang Ina. Ito 'yong bagay na gusto niyang gawin dahil iba 'yong pakiramdam na meron siyang purpose in life. At siguro ito na iyon.

Gusto niyang marinig ang kuwento mo. "Ay, tsismosa naman pala 'to!" Kidding aside, gusto niyang makakilala ng iba't ibang klase ng tao. Gusto niyang matuto mula sa inyo. At gusto niyang alamin kung paano siya makatutulong sa paraang matutulungan din siya ng bawat kuwentong pinaghuhugutan ng kaniyang magiging kliyente.

Hoo! Daming ebas, 'no? Puwede namang sabihin na lang na, "Kailangan niya ng pera sa buhay." Pero sino bang hindi? Aminin mo. πŸ˜‚

On a serious note, magpa-book na kayo kay Titang Ina. Try n'yo lang, baka win-win situation pala. Just a click away lang iyon.

Puwede ito sa mga early 20s hanggang oldies. Apordabol lang din po ang rates kaya hindi mabigat sa loob. Kahit teenagers puwede ring mag-avail basta swak sa kanilang allowance at kupit. Kimi!

Kaya kung may kakilala kayo diyan, or kahit ikaw mismong nagbabasa nito... Message mo ako kapag ready ka na, ha? Maghihintay lang ako. Chill muna ako sa side.

P.S. Doon lang po tayo sa marangal at malinis na transaksyon kung ayaw po nating mag-trending bigla sa social media. Laging tandaan, mahalaga ang buhay. Tiwala rin ang numero unong yaman na dapat ingatan. πŸ™

13/06/2025

Para sa mas specific na request ng client, mapag-uusapan naman po natin 'yong rate per hour. For now, ito 'yong mga ino-offer kong services para sa mga may kailangan ng assistance. ☺️

Barista rin po ako, so kung may coffee shop/cafe kayo, makakatulong ako sa business ninyo. May background din ako sa buy and sell ng mga kotse/sasakyan. Marami na rin po akong nakahalubilong tao sa buong 32 years ko sa earth kaya somehow, keri ko na pong makipagsabayan sa agos ng layp.

NOTE: Hindi po pang-romantic date ang serbisyo ko kaya mas preferred ko pong babae or mga kids po ang maging client ko. Puwede rin buong family. Thank you.

Photos from Titang Ina At Your Service's post 13/06/2025

Kailangan mo ng Titang Personal Assistant na taga Calamba na puwedeng maging driver, coffee buddy, chika & rant buddy, shopping buddy and taga-assist pa sa ibang bagay?

Baka ito na 'yong sign. I can be your Tita for a few hours, for a week or even a month. Tumatanggap din po ako ng work sa Los Banos ~ Bay ~ Calauan ~ Victoria ~ Pila ~ Sta. Cruz ~ Pagsanjan ~ Lumban na may free board and lodging na safe ang area at mga people na makakasalamuha ko. πŸ™

Willing to work from Mondays to Saturdays from 8 AM to 5 PM, depende po sa demand ng work. Pag-usapan na lang po natin ang schedule.

For bookings and appointments, kindly leave a message. Pabasa na lang din po ng mga uploaded photos here. Thank you. Tara na! ☺️

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Calamba?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Culinary Team

Attire

Website

Address

Calamba
4027