PESO Amulung

PESO Amulung

Share

𝗦𝗗𝗚 𝟴: Decent Work and Economic Growth

08/06/2026

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY
NANGALASAUAN TRAINING CENTER
Nangalasauan, Amulung, Cagayan

Ang (TESDA) Nangalasauan Training Center sa Nangalasauan, Amulung, Cagayan ay araw araw ng magbubukas simula ngayong araw, lunes, June 8, 2026 para sa mga kababayan natin na nais magkaroon ng Skills Training Certificate, kung nais natin magenroll sa mga kursong inooffer sa ibaba tumungo lamang po tayo sa Nangalasauan Training Center upang maasikaso po kayo at dalhin lamang ang mga sumusunod na requirements na nabanggit sa ibaba.

COURSES OFFER:
Driving NC II- 15 Days
Carpentry NCII -38 Days
Masonry NCII-23 Days
Electrical Installation and Maintenance NCII-25 Days
PC System Installation NCII-36 Days
RAC Servicing (DomRAC) NCII-30 Days

Entry Requirements:
1. Student permits/license or non-pro license (For Driving NCII only)
2. High School Permanent Record for (137-A) 138 with High School Diploma or College TOR with College Diploma (Xerox Copy)
3. PSA Birth Certificate (Xerox Copy)
4. Medical Certificate
5. 1 Long Brown Envelop

Note: For Driving NCII Batch 1 (slots still open)
-June 8-9, 2026 ang enrollment

Training Schedule: Monday- Friday (8;00 AM-5:00PM
Contact Persons; JIMMY DOMINGO (CP # 09057221958)
TESDA Nangalasauan In-Charge
RICKY C. BURAC (CP # 09653123101)
PESO Manager/CTEC

Send a message to learn more

Photos from PESO Amulung's post 05/06/2026

𝐁ɪʟᴀɴɢ ɢᴀʙᴀʏ ꜱᴀ ᴋᴀʟɪɢᴛᴀꜱᴀɴ, 𝐅ᴏʀᴍᴀꜱʏᴏɴ ɴɢ ᴋᴀᴀʟᴀᴍᴀɴ, ᴀᴛ 𝐏ᴀɢʜᴀʜᴀɴᴅᴀ ꜱᴀ ᴏʀᴀꜱ ɴɢ ꜱᴀᴋᴜɴᴀ.

June 3, 2026 , ang mga SPES beneficiaries ng PESO ay lumahok sa Fire Safety Orientation at Demonstration na isinagawa ng Bureau of Fire Protection (BFP). Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, natutunan nila ang mahahalagang kaalaman tungkol sa fire prevention, tamang pagresponde sa mga emerhensiya, at wastong paggamit ng fire extinguisher sa pamamagitan ng actual demonstration.

Bilang pangunahing ahensiyang may tungkuling pangalagaan ang kaligtasan ng publiko laban sa sunog, isinusulong ng BFP ang kanilang misyon na maiwasan at masugpo ang mapanirang sunog sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon, pagsasanay, at pagpapatupad ng mga hakbang sa kaligtasan. Mahalaga ang ganitong mga programa sapagkat ang sunog ay hindi lamang sumisira ng mga tahanan at ari-arian, kundi nagdudulot din ng matinding epekto sa buhay ng mga taong apektado nito. Sa isang iglap, maaaring mawala ang mga gamit, kabuhayan, at mga pinaghirapang ipunin sa loob ng maraming taon. Ang perang matiyagang inimpok at ang mga ari-ariang bunga ng pagsisikap at sakripisyo ay maaaring maglaho dahil sa isang trahedya. Dahil dito, ang kaalaman sa pag-iwas sa sunog at tamang pagtugon sa emerhensiya ay mahalagang sandata upang maprotektahan hindi lamang ang mga ari-arian kundi maging ang kapakanan, kabuhayan, at kinabukasan ng bawat pamilya.

Layunin ng gawaing ito na palawakin ang kaalaman, disiplina, at kahandaan ng mga kabataan upang maging responsable, mapanuri, at handang mamamayan sa oras ng sakuna at iba pang emerhensiya. Sa pamamagitan ng mga natutunang kasanayan at impormasyon, mas nagiging handa sila na tumugon nang maayos sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang aksyon at makapag-ambag sa pagpapanatili ng kaligtasan sa kanilang mga tahanan at pamayanan.

Lubos na nagpapasalamat ang LGU-Amulung at PESO sa BFP sa kanilang oras, dedikasyon, at malasakit sa pagbibigay ng mahalagang pagsasanay at kaalaman para sa ating mga SPES beneficiaries. Ang kanilang patuloy na pagsisikap ay malaking ambag sa paghubog ng mga kabataang may kamalayan, pananagutan, at kahandaan sa anumang hamon o sakunang maaaring kaharapin ng komunidad. 🔥🚒

Photos from PESO Amulung's post 01/06/2026

BRIGADA ESKWELA 2026: "Lokal na Pamahalaan through PESO Office, katuwang ang mga SPES Beneficiaries nakiisa sa Brigada Eskwela 2026"

Bilang bahagi ng patuloy na paglilingkod sa komunidad, nakiisa ang Lokal na Pamahalaan kabalikat ang PESO Office sa unang araw ng Brigada Eskwela 2026 ngayong Hunyo 1, 2026 na kung saan ang mga benepisyaryo ng SPES Program ang siyang tumulong sa paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Sa pamamagitan ng kanilang oras, lakas, at dedikasyon, aktibo silang nakibahagi sa iba't ibang gawain tulad ng paglilinis ng kapaligiran, pagsasaayos ng mga pasilidad, at iba pang mga gawaing naglalayong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng paaralan.

Ang ganitong pakikilahok ay sumasalamin sa diwa ng bayanihan at pagkakaisa na siyang pundasyon ng Brigada Eskwela. Sa kabila ng simpleng mga gawain, ang bawat ambag ay naging mahalagang bahagi ng paghahanda upang matiyak na ang mga mag-aaral ay babalik sa isang malinis, maayos, at kaaya-ayang kapaligiran sa pag-aaral.

Sa pamamagitan ng programang SPES, hindi lamang nabibigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na magkaroon ng makabuluhang karanasan sa trabaho, kundi nahuhubog rin ang kanilang malasakit, responsibilidad, at aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad. Bilang bahagi ng kanilang nakatalagang gawain, makikibahagi rin ang mga SPES beneficiaries sa mga gawain ng Brigada Eskwela hanggang Biyernes, Hunyo 5, 2026, bilang suporta sa paghahanda ng mga paaralan para sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan. Patunay ang kanilang pakikiisa sa programang ito na ang kabataan ay may mahalagang papel sa pag-unlad ng edukasyon at sa pagpapalakas ng diwa ng sama-samang paglilingkod para sa kapakanan ng nakararami.

Photos from DOLE Region 2's post 26/05/2026

Sa ating mga fresh graduates at mga naghahanap ng trabaho, baka nais niyong gunitain ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng trabaho, Halina't magkita-kita tayo sa Araw ng Kalayaan Job Fair 2026 sa darating na June 12, 2026 sa SM City, Tugueagarao.

Sa mga iba pong detalye basahin lamang ang post ng DOLE sa ibaba.👇

Photos from Municipal Information Office - Amulung's post 14/05/2026

WHEN LEADERS LEAD WITH COMPASSION AND MAKE AN ACTION TO FULLFIL THEIR MISSION.

Public Employment Service Office (PESO) conducted orientation for SPES beneficiaries, headed by Senior Labor and Employment Officer, Ricky C. Burac, where he discussed the benefits and responsibilities as a Special Program for Employment of Students.

Municipal Mayor, Hon. Elpidio R. Rendon delivered the Inspirational Message where he inculcated the essence of HUMBLENESS and RESPECTFULNESS despite of being chosen as SPES Beneficiaries.

He also emphasizes the significance of GRATEFULNESS as a qualified applicant of SPES to motivate them as a good public and community servants in near future, he also added the participation of Youth in the Municipality's progress and development.

On the other hand, the SPES Beneficiaries extends their gratitude to the LOCAL GOVERNMENT UNIT(LGU) OF AMULUNG, Especially to Hon. Mayor Rendon and SLE Officer, Sir Burac for giving them the opportunity to experience this program that builds the student’s capability in future Employment.

Photos from BFAR RO2's post 13/05/2026
Photos from Municipal Information Office - Amulung's post 11/05/2026

Congratulations on your well-deserved promotion Ricky C. Burac, Senior Labor Employment Officer of the Local Government Unit of Amulung.

Your dedication, selfless service, and caring leadership is truly commendable. May you continue to lead with pride and serve with love..

# CAPESO
# PESOAmulung

Photos from DOLE Region 2's post 04/05/2026
18/04/2026

🦷 We’re Hiring: DENTAL ASSISTANT! 🦷

Join our friendly and professional dental team! We’re looking for a motivated and reliable Dental Assistant to help us provide excellent care to our patients.

Responsibilities:
* Assist the dentist during procedures
* Prepare and sterilize instruments and equipment
* Ensure patient comfort before, during, and after treatment
* Maintain a clean and organized workspace
* Handle basic administrative tasks as needed

Qualifications:
* With or without experience (training provided)
* Highschool / K12 graduates are welcome
* Good communication and interpersonal skills
* Detail-oriented and organized
* Willing to learn and grow with the team

📍 Location: Shell Gas Station(beside Jollibee Tanza). We are located at Second floor beside Dr.Skin Emergency
🗓️ Full-time

📩 Send your resume to: [email protected]
*please do not use ai photos on your resume*

Be part of our growing team. Apply Now! 💜

Want your organization to be the top-listed Government Service in Cagayan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

Centro, Amulung
Cagayan
3505