Samaka bustos
Samahan ng may Kapansan sa Bayan ng Bustos
10/04/2026
Maligayang Kaarawan po,
Federation President Arturo "Jojo" Mendoza!
Sa espesyal na araw na ito, kami po mula sa SAMAKA Bustos ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod bilang pangulo—hindi lamang sa bayan ng Bustos kundi sa buong probinsya ng Bulacan.
Kayo po ay naging inspirasyon sa marami, lalo na sa komunidad ng PWD. Sa pamamagitan ng inyong dedikasyon, malasakit, at matibay na paninindigan, mas napalakas ninyo ang boses ng bawat isa at nabigyan ng pag-asa ang marami na makamit ang pantay na karapatan at oportunidad.
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong mga sakripisyo at pagsusumikap upang maitaguyod ang kapakanan ng inyong nasasakupan. Kayo po ay tunay na huwarang lider—may puso, malasakit, at tunay na hangarin na maglingkod sa kapwa.
Nawa’y pagpalain pa po kayo ng mas matibay na kalusugan, mahabang buhay, at patuloy na lakas upang maipagpatuloy ang inyong nasimulan. Patuloy po kayong maging ilaw at gabay sa aming lahat.
Maraming salamat po sa inyong inspirasyon at walang kapantay na serbisyo.
Maligayang kaarawan po! 🎉
— Mula po sa inyong SAMAKA Bustos
Maligayang Kaarawan po, Konsehal Gen. Santos! 🎉
Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa sa Samahan ng mga May Kapansanan sa Bustos. Malaking tulong at inspirasyon po sa amin ang inyong malasakit at pagtulong sa aming samahan.
Dalangin po namin na pagpalain pa kayo ng Diyos ng mabuting kalusugan, lakas, at mas mahabang panahon ng paglilingkod sa ating komunidad.
Muli, maligayang kaarawan po! 🎂🎈
09/03/2026
March 09, 2026 Meeting
Nakasama din po namin sa aming pag pupulong sila Konsehal Gen Santos at Konsehala Glecy Perez.
12/01/2026
Pag dalo sa 16th Minasa Festival at pag tanggap ng Plake ng Pagkilala at Pasasalamat
01-12-26
23/12/2025
SAMAKA PRESIDENTS YEAR END PARTY 2025
Salamat po sa lahat ng aming sponsors🫶
Governor Daniel R. Fernando
Vice Governor Alexis Collera Castro
Bokal Erlene Luz V. Dela Cruz
Bokal Lee Edward V. Nicolas
Congress Woman Augustina Dominique Cruz Pancho
Mayor Francis Albert “Iskul” G. Juan Iskul Juan
Vice Mayor Martin Serpa Juan Angeles Martin Angeles
Bokal Engr. Fortunato Serpa Juan Angeles
ABC Oic Captain Raymond Perez
Konsehal Philip Wryner B. Santos Gen Santos
Konsehal Kyle Gabrieelle DR. Navarro
Konsehal Romeo B. Cabalquinto
Konsehal Aljhaneal E. Quiñonez
Konsehal Leo T. Santos
Konsehal Melvin H. Melencio
Konsehal John Erick L. Perez
Konsehal Gleceria Perez
Sk President Mel Ryan P. Juan
Buklod Kaunlad NIÑA Perez
Sta Monica Multipurpose Cooperative
MBAPC
05/12/2025
Lubos pong nagluluksa ang SAMAKA Bustos sa pagpanaw ng aming kapatid sa serbisyo at dedikadong lingkod ng komunidad, si Ronald De Leon Santos — ang masipag at tapat na Pangulo ng PWD ng Barangay San Pedro, Bustos.
Ang kanyang pagpanaw ay nag-iwan ng malalim na puwang sa aming hanay.
Hindi lamang siya naging opisyal — naging haligi siya ng malasakit at tunay na tagapagtaguyod ng kapakanan ng mga may kapansanan, lalo na sa kanyang barangay na minahal at buong pusong pinagsilbihan.
Sa kanyang pamumuno, maraming boses ang narinig, maraming pangangailangan ang nabigyan ng pansin, at maraming miyembro ang nakadama ng pag-asa at pagkalinga.
Maraming salamat, Pangulong Abby, sa iyong mahabang taon ng tapat, taos-puso, at walang pagod na paglilingkod.
Ang iyong dedikasyon ay hindi lamang nagbago ng proseso—
nagbago ito ng mga buhay.
Habang nagdadalamhati ang buong Bustos PWD community,
kasama rin ang aming malalim na pasasalamat sa iyong kabutihan, sipag, at sakripisyo.
Ang iyong pangalan at pamana ay mananatili sa aming kasaysayan
at sa bawat pusong natulungan mo.
Sa pamilya ni Tita abby ipinaaabot po namin ang aming pinakamalalim na pakikiramay.
Nawa’y pagkalooban kayo ng Panginoon ng lakas at kapayapaan.
Paalam, mahal naming Pangulo.
Hindi ka mawawala sa aming alaala.
Lalo na ang lagi mong sinasabi ipaglaban ang kaparapatan.
Maraming salamat sa iyong paglilingkod.
20/11/2025
“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa buong pamunuan at komunidad ng Colegio de Sto. Niño de Bustos para sa kanilang matagumpay na Outreach Program para sa aming mga PWD. Salamat sa inyong malasakit, suporta, at pagiging kaisa namin sa pagtaguyod ng isang komunidad na may pagkalinga at pagkakapantay-pantay. Mabuhay po kayo!”
22/10/2025
Maligayang Kaarawan, Mayor Iskul Juan !
Mula sa buong SAMAKA Bustos (Samahan ng mga may Kapansanan ng Bustos), kami po ay taus-pusong bumabati sa inyo ng isang Happy and Blessed Birthday!
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Maykapal ng malusog na pangangatawan, karunungan, at inspirasyon sa inyong pamumuno. Maraming salamat sa inyong tapat na serbisyo at malasakit sa bawat mamamayan, lalo na sa aming mga may kapansanan.
Mabuhay po kayo, Mayor iskul💙
Muli, Happy Blessed Birthday! 🎉💐
22/10/2025
October 22, 2025 meeting
Agendas
1. Christmas Tree Making
2. Program with Csnb
3. Solicit for Year end party.
4. Other Matters
03/10/2025
Day 2 Activity
-Isa- isang pag lalahad ng mga Pangulo at kasama nito tungkol sa mga suliranin at kailangang ayusin sa kanilang nasasakupan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Bustos