Keyrose

Keyrose

Share

Letras Y Figuras Letras Y Figuras is a style that is distinguished by the depiction of letters of the contoured shapes of human figures and expression.

Portraits and other objects are my subjects to convert my emotions and create nostalgic feelings.

29/05/2025

Kapag Yumanig ang Daigdig

Kapag ang mundo’y
nayanig sa galit—
ang katahimikan ay
magiging sigaw,
at ang himbing ng lupa
ay magigising sa takot.

Maging ang dagat
na sanay sa paglimos
ng lihim ng buwan,
ay hindi mananatiling tahimik.
Ito’y bubulwak,
mag-aalimpuyo,
parang puso na
nasugatan ng biglaan.

Sasayaw ang alon
sa himig ng pangamba,
at sa bawat hampas sa dalampasigan,
parang isinisigaw:
"Narinig ko, nadama ko—
ako rin ay nasaktan."

- Keyrose

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Bulacan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address

Bulacan