Congressman Ramon Monching Guico, Jr.
Congressman - 5th District of Pangasinan
Governor Ramon V. Guico III's State of the Province Address 2026.
18/03/2026
Narito ang ilang mga kuha sa ginanap na pagpupulong ng Commission on Appointments sa Senado kahapon, ika-17 ng Marso.
12/03/2026
Tuloy ang trabaho ng Commission on Appointments kahapon para aprubahan ang nominasyon ng apat (4) na opisyal mula Department of Foreign Affairs na kinabibilangan ni Amb. Raphael Lotilla. Sumunod namang tinalakay ang nominasyon ng walumpung (80) opisyal ng ating kasundaluhan.
12/03/2026
Maraming salamat po sa imbitasyon na makadalo sa Blessing and Inauguration ng Multi-Purpose Building (Covered Court at Barangay Hall) ng Barangay Pindangan West, Alcala, Pangasinan.
Isang karangalan po na maging bahagi ng mahalagang okasyong ito na magbibigay ng mas maayos na pasilidad para sa mga programa, pagtitipon, at serbisyo para sa bayan. Naway magsilbi po itong lugar ng pagkakaisa at pag-unlad para sa buong barangay.
Mabuhay ang Quinto Distrito! 💙✌
10/03/2026
Kasama natin kanina si Speaker Bojie Dy III at DFA Acting Secretary Maria Theresa B. Dizon-de Vega para sa courtesy call nila Amb. Raphael Lotilla at Mr. Anthony Achilles Mandap mula sa Department of Foreign Affairs. Sila ay dalawa (2) sa apat (4) na opisyal ng DFA na sasalang sa pagsisiyasat bukas ng Commission on Appointments.
09/03/2026
27/02/2026
Business as usual ang Commission on Appointments sa pag-apruba ng nominasyon ng 81 mga opisyal ng Sandatahang Lakas nitong nagdaang Miyerkules, Pebrero 25. Kasama ang aming mga kahanay sa Senado, hinimay natin ang kakayahan at kapabilidad ng mga nominado.
27/02/2026
Kasama po tayo sa isinagawang inspeksyon ni DPWH Secretary Vince Sizon, kaugnay ng nagpapatuloy na bypass road project sa Barangay Dumayat, Binalonan.
Kasama natin dito ang aking mga anak na sina Gov. Ramon Mon-Mon Guico III at Mayor Ramon RG Guico IV, gayundin ang aking asawa na si Arlyn Guico.
Pinagtitibay ng ganitong koordinasyon ang ating layuning makapaghatid ng de-kalidad na imprastraktura para sa mas maunlad na komunidad.
Mabuhay ang Binalonan! Mabuhay ang Quinto Distrito!
25/02/2026
𝗜𝗡 𝗣𝗛𝗢𝗧𝗢𝗦: 𝗕𝗜𝗡𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟲 - 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡, 𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 & 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗜𝗚𝗛𝗧 ✌💙
Isang malaking karangalan ang maimbitahan bilang Guest of Honor at Speaker sa ginanap na Senior Citizen, Balikbayan, at OFW Night bilang bahagi ng pagdiriwang ng Binnalon Festival 2026 sa Binalonan.
Ang espesyal na gabing ito ay inialay upang parangalan ang ating mga Senior Citizens na patuloy na nagsisilbing inspirasyon at haligi ng ating komunidad. Kasabay nito, binigyang-pugay din ang ating mga Balikbayan at OFWs na walang sawang nagsasakripisyo at nagsusumikap para sa kanilang pamilya at para sa bayan.
Maraming salamat sa mainit na pagtanggap at sa pagkakataong makasama kayo sa isang makabuluhan at masayang selebrasyon.
Muli, Happy Binnalon Festival, mahal kong Binalonan! ✌💙
05/02/2026
Maraming salamat sa pagbisita, DOE Secretary Sharon S. Garin!
04/02/2026
Inaprubahan po natin ang nominasyon ng 35 na mga senior officials ng ating Sandatahang Lakas ngayong ika-4 ng Pebrero sa Senado. Naging madali, mabilis, at produktibo ang naging pagpupulong ng Commission on Appointments dahil pinatunayan naman ng ating mga nominado ang taglay nilang karanasan at kani-kaniyang kakayahan.
Binabati ko ang ating mga opisyal at pinaaabot ang buong-loob kong pagsuporta sa ating armed forces. Mabuhay po kayo!
29/01/2026
Dinaluhan natin kahapon ang pulong ng Special Committee on North Luzon Growth Quadrangle kaugnay sa briefing ng Department of Public Works and Highways kung saan inusisa natin ang Construction Materials Price Data (CMPD) upang matiyak ang transparency at tamang costing sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Binalonan
2436
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |