Atty. Julyn

Atty. Julyn

Share

Notary Public

07/01/2026

To the 2025 Passers
Congratulations and Welcome (handa na ang mga babayarin hehehe.) Your hard work, perseverance, and dedication have paid off, and today, you stand tall as a testament to what determination can achieve. May this success be just the beginning of a lifetime filled with learning, growth, and meaningful accomplishments. Celebrate this moment—you’ve earned it!

Just always put your feet on the ground.

To Those Who Didn’t Make It This Time
This is not the end of your story. Every great journey has its share of setbacks, and this moment is just one chapter—not the whole book. Failing doesn’t define you; rising after the fall does. Use this experience as fuel to come back stronger, wiser, and more resilient. The path may be longer, but your dreams are still within reach. Keep going—you are not alone, and your breakthrough is coming.

Sabi nga nadelay lng ang pag abot sa maliit na tuldok na yan, keep the faith God will give it in His perfect time.

03/05/2025

Muling pinagtibay ng na ang mga testimonya mula sa pamilya at mga kaibigan ng asawa ay makatutulong na patunayan ang psychological incapacity sa mga kasong naglalayong mapawalang-bisa ang kasal.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen, idineklara ng Second Division ng Korte na walang bisa ang kasal nina Jeffery A. Green (Jeffery) at Rowena Manlutac Green (Rowena) dahil sa psychological incapacity ni Rowena.

Magka-relasyon sa loob ng apat na taon sina Jeffery at Rowena bago sila nagpakasal. Makalipas ng apat pang taon, nagsampa ng petisyon si Jeffery para mapawalang-bisa ang kanilang kasal dahil pareho umano silang psychologically incapacitated. Bilang katibayan, nagsumite si Jeffery ng isang psychiatric evaluation report batay sa mga standard test at panayam sa kanyang sarili, kay Rowena, sa isang mutual na kaibigan, at sa ina ni Rowena.

Ayon sa report, madalas na napababayaan ni Rowena ang kanilang finances at ang kanilang mga utang ay umabot na sa PHP 4 milyon. Inakusahan din ni Jeffery si Rowena ng panloloko at pagsisinungaling tungkol sa paternity ng kanilang anak.

Pinaboran ng RTC ang petisyon at idineklara na si Rowena ay psychologically incapacitated na tuparin ang kanyang mga tungkulin sa pag-aasawa. Ito ay pinagtibay ng Court of Appeals at Korte Suprema.

Sa nullity of marriage cases, binigyang-diin ng Korte Suprema na maaaring suriin ang psychological incapacity hindi lang base sa pahayag ng mag-asawa kundi pati sa mga malalapit sa kanila. Ito para maiwasan ang potensyal na bias mula sa asawa na nagsampa ng petisyon.

Iginiit ng Korte Suprema na kung ang kabuuan ng mga ebidensya ay mapatutunayan ang psychological incapacity ng isang asawa noong araw na ipagdiwang ang kasal, ang kasal ay maaaring mapawalang-bisa sa ilalim ng Article 36 ng Family Code.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-family-and-friends-testimonies-can-prove-psychological-incapacity-in-nullity-of-marriage-cases/.

Basahin ang buong teksto ng Desisyon https://sc.judiciary.gov.ph/255706-rowena-manlutac-green-vs-jeffery-a-green-and-the-republic-of-the-philippines/.

03/05/2025

Muling iginiit ng na bagamat ipinapalagay na authentic o totoo ang mga notarized o naipa-notaryo na dokumento, mawawalan ng bisa ang mga ito kung mapapatunayang peke.

Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, nagpasya ang Second Division na walang pananagutan si Gil Chua (Chua) para sa hindi nabayarang PHP 150 milyong loan ng Interbrand Logistics and Distribution, Inc. (Interbrand) mula sa Bank of Commerce.

Ang loan ay sinigurado sa pamamagitan ng promissory notes at notarized Continuing Surety Agreements (CSAs) na nilagdaan ng ilan sa mga opisyal ng Interbrand. Si Chua ay nakalista bilang isa sa mga surety, pero hindi tulad ng ibang mga lumagda, hindi siya isang opisyal, direktor, o shareholder ng kumpanya.

Nang hindi mabayaran ng Interbrand ang mga pautang, idinemanda ng bangko ang kumpanya at lahat ng mga surety. Itinanggi ni Chua ang anumang pagkakasangkot. Sinabi niyang hindi siya pumirma sa isang CSA o humarap sa isang public notary. Iginiit ng Bangko na ang CSA, bilang isang notarized na dokumento, ay ipinapalagay na wasto.

Kinatigan ng Korte ang pagkwestiyon ni Chua sa bisa ng CSA. Itinanggi ni Chua ang pagpirma sa dokumento o ang pagharap sa isang notaryo. Wala siyang posisyon o interes sa Interbrand, at ang Bangko ay walang specimen ng kanyang lagda para i-verify ang CSA. Bukod pa rito, ang kanyang CSA at ng isa pa ay pinirmahan diumano sa parehong araw sa magkahiwalay na mga lokasyon pero may magkaparehong mga saksi na lalong nakadagdag sa pagdududa kung tunay ang dokumento. Hindi rin iniharap sa korte ang notary public na umano’y nagnotaryo sa CSA.

Inutusan ng Korte ang Interbrand at ang mga natitirang surety na bayaran ang Bank ng PHP 150 milyon pati interes at penalties, at PHP 1 milyon na attorney’s fees.

Basahin ang buong teksto ng press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-forged-documents-still-void-even-if-notarized/.

02/01/2025

Ipinaalala ng Korte Suprema na habang ang mga nagpapahiram ng pera ay maaaring makakuha ng mga ari-arian na ginagamit bilang loan collateral, ang pagmamay-ari ay hindi maaaring awtomatikong ilipat sa kanila, maliban kung may hiwalay na kasunduan.

Sa isang Desisyon na isinulat ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo, kinatigan ng First Division ng Korte Suprema ang paglipat ng pagmamay-ari ng lupang pag-aari ng Ruby Shelter Builders and Realty Development Corporation (Ruby Shelter) sa pinagkakautangan nito na sina Romeo Y. Tan (Tan) at Roberto L . Obiedo (Obiedo). Ayon sa Korte Suprema, ang paglilipat na ito ay batay sa isang may bisang kasunduan at hindi lumalabag sa batas na nagbabawal sa awtomatikong paglilipat ng pagmamay-ari ng collateral.

Ang Ruby Shelter ay humiram ng pera kina Tan at Obiedo, gamit ang ilang mga ari-arian bilang collateral. Nang ang natitirang utang ay umabot sa PHP 95 milyon, ang mga partido ay pumirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na ibenta ang mga ari-arian nito kina Tan at Obiedo bilang bayad sa utang.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang bisa ng MOA at sinabing kusang pumasok ang Ruby Shelter sa MOA na ibenta ang mga ari-arian kung hindi makapagbayad. Ipinaliwanag din ng Korte na ang MOA ay hindi bumubuo ng pactum commissorium o isang ipinagbabawal na kasunduan sa ilalim ng Article 2088 ng Civil Code. Ang probisyong ito ay nagsasaad na ang isang tagapagpahiram ay hindi maaaring awtomatikong makakuha ng pagmamay-ari ng collateral kung ang nanghihiram ay nabigong magbayad.

Ang pactum commissorium ay nangyayari kapag (1) ang isang ari-arian ay ginamit bilang collateral para sa isang pautang; at (2) ang kasunduan sa pautang ay may kasamang probisyon na awtomatikong naglilipat ng pagmamay-ari ng collateral sa nagpapahiram kung ang nanghihiram ay nabigong magbayad.

Basahin ang buong press release: https://sc.judiciary.gov.ph/sc-automatic-transfer-of-collateral-for-loan-repayment-prohibited/

Basahin ang buong teksto ng Desisyon: https://sc.judiciary.gov.ph/217368-ruby-shelter-builders-and-realty-development-corporation-vs-romeo-y-tan-et-al/

Purchase booklet no longer required to get senior meds discount – DOH 23/12/2024

Purchase booklet no longer required to get senior meds discount – DOH MANILA – Health Secretary Teodoro J. Herbosa on Monday said purchase booklets are no longer required for senior citizens to avail 20 percent discount on medicine purchases. Herbosa has signed Administrative Order No. 2024-0017 removing the need for seniors to present a purchase booklet to…

09/06/2024

e2 muna malay mu bukas makalawa tapos na din ang walls niya..

07/06/2024

You can never go wrong in doing good.

-atty. Julyn

Website