REAL UNIDA YOUTH
Youth organization of Real Unida Evangelical Church. Our aim is to empower the youth of today. Sharing the Gospel to transform youth thru Jesus Christ.
11/03/2023
🔥 time for a breakthrough 🔥
Unida Youth Conference 2023 will be on June 12.
24/01/2023
Ang Unida Christian Church - Real ay magsasagawa ng Prayer and Fasting sa January 29, 2023 mula ika-anim ng umaga hanggang ika-anim ng gabi (6:00AM - 6:00PM).
Para sa pagsisimula nito ay sama-sama nating pagbubulay-bulayan ang Salita ng Diyos mula sa 2 Cronica 7 : 14
At naririto ang ating mga Prayer Points:
1. Ipanalangin ang mga kabataang hindi na nagiging aktibo sa mga gawain na para sa Panginoon.
2. Ipanalangin ang mga kabataang nais mabahaginan ng Salita ng Diyos.
3. Ipanalangin ang mga kapatiran na hindi na nagiging aktibo sa mga gawain na para sa Panginoon.
4. Ipanalangin ang lahat mga planuhin at mga nakaplano na gawain ng Iglesia para sa taong 2023 - 2025
5. Ipanalangin ang bawat pamilya ng UCC-Real. Ang kanilang katatagan ng pananampalataya at pagtugon sa lahat ng pangangailangan.
6. Ipanalangin ang lahat ng mga nagtatrabaho sa Pilipinas at maging ang mga nasa ibang bansa
7. Ipanalangin ang kapayapaan at kaayusan ng ating bansa, bayan at barangay, at maging ang lahat ng mga nanunungkulan sa ating pamahalaan.
8. Lahat ng mga personal na panalangin.
Reminders:
Maaaring bumuo mg grupo (small group or family) para sa pananalangin.
Maaaring uminom ng tubig at juice.
Para sa mga katanungan at paglilinaw para sa nasabing gawain, maaari ninyong imessage si Raiza Mae Garcia o direct message ang ating FB Page.
Sama-sama tayong lahat na manalangin at magtiwala sa kapangyarihan ng ating Panginoong Hesus.
17/07/2022
RUY Fellowship at Villamor residence - Santiago
27/06/2022
Hey there, Unida Youth!
Join the TAYO: Unida Youth Conference 2022 Profile Picture Blast!
Get your DP frame using this Twibbon link: twb.nz/unidayouthtayo
Copy the caption in the comments section for your DP upload.
We’re so excited to see you all!
30/05/2022
Ready for a comeback?
Unida Youth Conference 2022 will be on July 2 at the Unida Christian Center in Silang, Cavite.
14/05/2022
Maligayang ika-90 na Anibersaryo ng ating minamahal na Iglesia Evangelica Unida de Cristo, mga kapatiran!
Sama-sama tayong sumamba sa ating Panginoon sapagkat Siya ay tapat at mabuti sa buhay ng bawat isa sa atin.
Ipapalabas bukas sa ating Unida Christian Church page ang ating pananambahan at gawain bukas para sa ating 90th Anniversary Celebration.
Inaasahan ang bawat lokal na kongregasyon na mag-"watch party" ng livestream sa kani-kanilang mga Bahay-Sambahan.
Muli, ang mga sumusunod lamang ang inaasahang dumalo on-site sa Unida Christian Center:
- Mga Manggagawa ng Iglesia at kanilang mga pamilya
- Limang (5) miyembro sa bawat lokal at misyong Iglesia
- Mga may bahagi sa programa
10/05/2022
Purihin ang Diyos sa Kataas-taasan. Purihin ang Diyos sa ating mga bagong halal na mga kapatid na manunungkulan sa Kalipunan ng Kabataang Unida sa Taong 2022-2025.
Pangulo: Jacob Tabaranza, Baclaran
Pangalawang Pangulo: Aaron Colina, Noveleta
Kalihim: Aleks Padua, Anabu
Ingat Yaman: Danica Dela Cruz, Bacao
Tagasuri: Arthur Paredes, Salawag
Tagapagbalita: Jam Santarin, Salawag
Patuloy po nating supportahan ang Kabataang Unida. Magkaisa tayo sa ating mga mithiin sa tulong ng ating nagiisang Diyos.
18/02/2022
Magandang araw, mga kapatid!
Nalalapit na ang pagdiriwang ng ating 90th Unida Church Anniversary. Maging bahagi ng kasaysayan ng ating Iglesia at lumahok sa ating Logo Making Contest!
Mababasa ang guidelines sa post na ito. Siguraduhing makapagpasa ng inyong entry on or before March 4, 2022 (Friday).
Sabik na kaming makita ang inyong mga malikhaing mga gawa!
Magandang araw, mga kapatid!
Nalalapit na ang pagdiriwang ng ating 90th Unida Church Anniversary. Maging bahagi ng kasaysayan ng ating Iglesia at lumahok sa ating Logo Making Contest para logo ng ating 90th Anniversary Celebration.
Mababasa ang guidelines sa post na ito. Siguraduhing makapagpasa ng inyong entry on or before March 4, 2022 (Friday).
Sabik na kaming makita ang inyong mga malikhaing mga gawa!
CLARIFICATION: Ang logo na ito ay para sa 90th Anniversary Celebration at hindi para sa logo ng Unida Church. Salamat po.
03/07/2021
If one part suffers, all the parts suffer with it, and if one part is honored, all the parts are glad.
1 Corinthians 12:26 NLT
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Batangas