TeamCOMETS
We are a group of people whose passion is cycling and discipleship.
08/06/2026
"Choose Peace Over Noise"
Sa panahon ngayon, parang lahat ay sumisigaw para makuha ang ating pansin. Sa politika, sa social media, sa trabaho, at maging sa personal nating buhay.
Habang nag-aaway ang mga pulitiko, nagbabangayan ang magkakaibang kampo, at lumalakas ang ingay ng mga opinyon, maraming Pilipino ang tahimik na lumalaban sa sarili nilang mga laban: stress sa trabaho, burnout, kakulangan sa tulog, problema sa pamilya, pagkabigo, at pagtataksil ng mga taong pinagkatiwalaan. Ang mga kamakailang tensyon sa pulitika ay lalo pang nagdagdag sa ingay at pagkakahati-hati ng lipunan.
Ang larawan ay paalala na hindi lahat ng tumatawag sa iyo ay dapat mong sundan. Hindi lahat ng nagagalit ay dapat mong sabayan. Hindi lahat ng debate ay dapat mong salihan.
May mga pagkakataon na ang pinakamalakas na desisyon ay ang magpatuloy sa tamang direksyon habang pinipili ang kapayapaan kaysa kaguluhan.
Kapag may nanira sa iyo, piliin ang karakter kaysa paghihiganti. Kapag may nagtaksil, piliin ang pagpapagaling kaysa p**t. Kapag pagod ka na sa trabaho at buhay, piliin ang pahinga kaysa pagsuko. Kapag nalulunod ka sa ingay ng politika at social media, piliin ang katotohanan kaysa emosyon.
Hindi lahat ng laban ay para sa iyo. Ang ilang laban ay para sa Diyos lalo na ang mga imposible ipanalo. Ang ilang ingay ay hindi nangangailangan ng sagot. Ang ilang tao ay hindi nangangailangan ng paliwanag. Dahil sadyang maraming tanga sa mundo.
Patuloy kang lumakad. Huwag hayaang maagaw ng ingay ng mundo ang kapayapaang ibinigay ng Diyos sa iyo. Ang iyong kinabukasan ay mas mahalaga kaysa sa pansamantalang gulo sa paligid mo.
Manatiling kalmado, manatiling matatag, at magtiwala na ang Diyos ang siyang gagabay sa bawat hakbang mo. 🙏
"You will keep in perfect peace those whose minds are steadfast, because they trust in You." - Isaiah 26:3.
07/06/2026
"Huwag makipagtalo sa baboy. Parehas kayong madudumihan pero mas happy ang baboy."
Malalim ang mensahe nito. Hindi lahat ng laban ay
dapat pinapatulan. May mga tao na kahit gaano ka katino magsalita, ayaw naman talagang makinig o umunawa. Ang gusto lang nila ay makipag-away, manggulo, at hilahin ka pababa sa antas ng kanilang pag-iisip at asal.
Kapag pinatulan mo ang taong mahilig sa intriga, paninira, tsismis, at walang respeto sa katotohanan, pareho lang kayong mapapagod at madudumihan. Ang kaibahan, masaya sila sa gulo dahil iyon ang kanilang kinasanayan, samantalang ikaw ay mawawalan ng kapayapaan, oras, at dignidad.
Huwag padala sa emosyon lalo na sa mga umuudyok sa'yo na pumatol at magalit. Gusto lamang nilang sirain ang diskarte mo, guluhin ang isip mo, at ilihis ka sa iyong layunin. Ang taong marunong magkontrol ng kanyang emosyon ay mas malakas kaysa taong madaling magalit.
Minsan, ang pinakamatalinong sagot ay katahimikan. Ang pinakamabisang ganti ay ang magtagumpay nang hindi bumababa sa kanilang antas. Hindi lahat ng hamon ay kailangang sagutin, at hindi lahat ng batikos ay kailangang patulan.
Mag-ingat sa mga taong may asal baboy. Mga taong mahilig sa gulo, walang accountability, at natutuwa kapag may nasisirang relasyon o reputasyon. Huwag hayaang nakawin nila ang iyong kapayapaan.
"Ang taong mabagal magalit ay may dakilang pag-unawa, ngunit ang bugnutin ay nagpapakita ng kamangmangan." - Proverbs 14:29
Piliin ang kapayapaan kaysa pakikipagtalo. Hindi lahat ng laban ay dapat ipanalo. May mga laban na mas mabuting iwasan upang mapanatili ang iyong integridad, karunungan, at kapayapaan sa Diyos. 🙏🏻❤️
06/06/2026
Can I Pray For You?
Kung nababasa mo ito ngayon, dalangin ko na pagpalain ka ng Panginoon ng kagalingan sa katawan at isip, promosyon sa trabaho, pagpapanumbalik ng mga nasirang relasyon, kapayapaan sa puso, karunungan at pag-unawa, sapat na panustos sa bawat pangangailangan, at lahat ng kabutihang nagmumula sa Diyos.
Anuman ang iyong pinagdaraanan, tandaan mo na may Diyos na nakakakita ng iyong mga luha, nakakarinig ng iyong mga panalangin, at gumagawa ng paraan kahit hindi mo pa nakikita ang sagot.
Thank You, Lord, for the gift of life. Salamat sa bawat araw, bawat biyaya, at bawat pagkakataong maranasan ang Iyong katapatan at pagmamahal.
"And my God shall supply all your need according to His riches in glory by Christ Jesus." - Philippians 4:19
"For I know the plans I have for you," declares the Lord, "plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future." - Jeremiah 29:11
Patuloy kang magtiwala. Ang laban ay maaaring mahirap, ngunit ang Diyos ay tapat. Ang Kanyang biyaya ay sapat, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi nauubos.
Jesus loves you. God bless you, your family, your health, your work, and everything your hands are called to do.
06/06/2026
Kapag inuna mong ikuwento ang problema mo sa tao lalo na sa social media, iba't ibang opinyon, payo, at pananaw ang maririnig mo.
Minsan makakatulong, pero madalas lalo ka lang malilito. Hindi lahat ng nakikinig ay tunay na nagmamalasakit. May mga taong kunwari'y concern, ngunit sa puso nila ay natutuwa sa pagbagsak mo. Kaya kahit hindi naman lumaki ang problema, pakiramdam mo'y lalo kang nalulunod sa bigat nito.
Ngunit kapag sa Diyos mo unang ibinuhos ang iyong puso, iba ang tugon. Hindi Niya kailangan ng tsismis para maintindihan ka, at hindi Niya gagamitin ang kahinaan mo laban sa iyo. Bilang Ama at Tagapagligtas, lagi Siyang handang makinig. Sa gitna ng luha at pangamba, maririnig mo ang Kanyang mahinahong tinig:
"Sige lang anak, iiyak mo. Nakikinig Ako."
"Magpatuloy ka lang, anak. Kasama mo Ako. Sasagutin kita."
At pagkatapos mong unahin ang Diyos, huwag kang magulat kung magpadala Siya ng tamang tao, tamang pagkakataon, tamang payo, o tamang pinto para sa sagot na hinihintay mo. Madalas, ang sagot ng Diyos ay dumaraan sa mga taong Kanyang itinatalaga at sa mga oportunidad na Kanyang inihahanda. Kapag ang Diyos ang una mong nilapitan, hindi ka Niya pababayaan. Maniwala ka.
Ang tao ay maaaring magbigay ng opinyon, ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng kapayapaan. Ang tao ay maaaring husgahan ka, ngunit ang Diyos ay nagbibigay ng biyaya. Ang tao ay maaaring iwan ka, ngunit ang Diyos ay nananatili. Kaya bago ka tumakbo sa mundo, lumuhod ka muna sa Panginoon. Magtiwala, manalangin, at sumunod sa Kanya. Sapagkat ang Diyos ay hindi lamang nakikinig sa iyong problema. Siya rin ang may hawak ng solusyon.
"Ihagis ninyo sa Kanya ang lahat ng inyong kabalisahan sapagkat Siya ay nagmamalasakit sa inyo." - 1 Pedro 5:7
"Magtiwala ka sa Panginoon nang buong puso mo, at huwag kang manalig sa sarili mong karunungan. Kilalanin mo Siya sa lahat ng iyong mga lakad, at itutuwid Niya ang iyong mga landas." - Kawikaan 3:5-6
Kapag tao ang una mong takbuhan, opinyon ang makukuha mo. Kapag Diyos ang una mong takbuhan, direksyon ang matatanggap mo. 🙏
05/06/2026
NINAKAWAN KA NA. PERO SA TESTIGO KA NAGAGALIT? HINDI SA MAGNANAKAW?
Nakakalungkot na sa tuwing may lumalabas na testigo laban sa isang makapangyarihang pulitiko, mas mabilis pa tayong magalit sa nagsasalita kaysa sa taong inaakusahan.
Totoo, may mga huwad na testigo at sinungaling na saksi kaya dapat maging maingat at mapanuri. Hindi lahat ng paratang ay agad na dapat paniwalaan.
Pero napapansin mo ba? Kapag ang testigo ay laban sa pulitikong gusto natin, agad nating sinasabing sinungaling, bayaran, at gumagawa lang ng kuwento. Ngunit kapag laban naman ito sa kalaban ng paborito nating pulitiko, bigla natin siyang tinatawag na bayani at tagapagligtas ng bayan.
Natural na tatanggi ang inaakusahan. Matic na sasabihin niyang hindi totoo ang mga alegasyon. Ganyan naman halos palagi ang nangyayari. Kaya ang tanong: sino ba talaga ang dapat nating usisain? Ang testigo lang ba? O pati ang mga ebidensya, rekord, at mga taong may pananagutan?
Samantalang tayo, ang mga ordinaryong mamamayan na siyang tunay na apektado ng korapsyon, mataas na presyo ng bilihin, mahinang serbisyo, at lumalaking utang ng bayan. Ano na? Nganga na lang ba? Habang tayo'y nag-aaway at nagkakawatak-watak, tuwang-tuwa ang mga mandarambong na pulitiko dahil nalilihis ang atensyon sa tunay na problema.
Huwag tayong magpagamit. Huwag tayong magpasabong sa mga laban na sila rin ang may pakana. Ang katapatan ay hindi dapat nakabase sa kulay, partido, o apelyido. Ang sukatan ay katotohanan at pananagutan.
Nasa atin ang kapangyarihan. Magkaisa tayong manindigan laban sa korapsyon at huwag nang hayaang makabalik sa kapangyarihan ang mga mapagsamantala sa bayan. Ang batas ay dapat pairalin nang patas, at ang sinumang mapatunayang nagkasala ay dapat managot.
Gising mga kababayan! Huwag lang sa tao tumingin, kundi sa Diyos na nakakita ng lahat. Humingi tayo ng karunungan at discernment sa Kanya, sapagkat ang tunay na pag-asa ng bayan ay wala sa Malacañang, wala sa Senado, at wala sa anumang partidong pulitikal.
Nasa Hari ng mga Hari, ang Diyos na naghahari sa Langit.
"Ang katuwiran ay nagtatampok sa isang bansa, ngunit ang kasalanan ay kahihiyan ng alinmang bayan." - Kawikaan 14:34
Let's all repent. Hinayaan ni Lord magkaroon tayo ng mga masasamang leader para matuto tayong tumawag sa Kanya.
05/06/2026
"Ang pagkontra ng mga hangal ay kadalasang kabayaran ng paninindigan sa katotohanan."
Hindi lahat ng pinaniniwalaan at ginagawa ng nakararami ay tama. Huwag matakot maging iba kung ang pagiging iba ay nangangahulugang pagtayo para sa tama. Tandaan, mga patay na isda lamang ang kusang sumasabay sa agos; ang mga buhay ay lumalaban sa agos upang marating ang tamang direksyon.
Maging totoo at tapat sa lahat ng oras. Ingatan at pahalagahan ang iyong integridad, sapagkat ito ang isa sa pinakamahalagang kayamanang hindi kayang bilhin ng anumang halaga. Higit sa lahat, pangalagaan ang iyong pananampalataya sa Dakilang Lumikha, sapagkat Siya ang nagbibigay ng karunungan, lakas, at tamang direksyon sa bawat hakbang ng buhay.
Kapag magulo ang mundo, huwag magpadala sa ingay ng karamihan. Manahimik sa presensya ng Panginoon, manalangin, makinig, at sumunod sa Kanyang kalooban.
Sa huli, mas mahalagang kalugdan ka ng Diyos kaysa tanggapin ng mundo. Si Lord ang bahala sa resulta, ang tungkulin mo ay maging tapat.
"Magpakatahimik ka sa harapan ng Panginoon at matiyagang maghintay sa Kanya." - Awit 37:7
"Ang taong may integridad ay lumalakad nang tiwasay, ngunit ang liko ang landas ay mahahayag." - Kawikaan 10:9
04/06/2026
"Kapag ako’y naihalal na, magiging vegetarian na ako." - Pres. Leo D. Liar
Nakakatawa man pakinggan, pero mas nakakatawa ang paulit-ulit nating pagboto sa mga taong napatunayan nang walang kakayahan, walang paninindigan, at walang malasakit sa bayan.
Sa mga krisis na nararanasan natin ngayon, hindi lang mga nakaupo ang dapat sisihin. Tayo rin ang nagluklok sa marami sa kanila. Paulit-ulit tayong nabubudol ng matatamis na salita, sikat na pangalan, at panandaliang ayuda habang ninanakaw ang kinabukasan ng bansa.
Panahon nang markahan ang mga napatunayang sinungaling, magnanakaw, at inutil sa serbisyo. Huwag na silang bigyan ng panibagong pagkakataon upang magpasasa sa kapangyarihan habang naghihirap ang mamamayan. Ang mga opisyal ng gobyerno ay hindi hari at hindi panginoon. Sila ay lingkod-bayan na dapat managot sa taong-bayan.
At higit sa lahat hindi sila karapat-dapat na tawaging your honor, ang tunay na karangalan ay hindi para sa tao kundi para sa Diyos lamang.
"Kapag matuwid ang namumuno, ang bayan ay nagagalak; ngunit kapag masama ang naghahari, ang bayan ay dumaraing." - Kawikaan 29:2
Tandaan: Huwag nating sambahin ang mga pulitiko. Hindi sila ang ating tagapagligtas. Ang boto ay hindi gantimpala sa kasikatan. Ito ay pananagutan para sa kinabukasan ng bayan. Huwag maging bobotante sa 2028. Isipin mo ang bahay mo ay Pilipinas, hahayaan mo bang pamunuan ng Adik, Baliw, Magnanakaw, Walang malasakit, Sinungaling at NanghuHudas, Mamamatay Tao na leader ang iyong tahanan? Maging matalino.
Huwag tigilan ipanalangin ang Pilipinas. May pag-asa.
03/06/2026
Sa panahon ngayon, maraming balat-sibuyas ang ubod ng ingay kapag sila ang nagsasalita, pero kapag sila naman ang kinwestyon o kinorek, biglang biktima ang papel at social media ang takbuhan.
Hindi marunong makinig, ayaw tumanggap ng puna, at gusto sila lang ang may karapatang magsalita.
Minsan, hindi ka nananahimik dahil wala kang sagot. Mananahimik ka dahil napagtanto mong walang saysay makipagtalo sa taong mas mahal ang kanyang ego kaysa katotohanan.
Ang maturity ay hindi pagsagot sa bawat ingay, kundi pagpiling huwag bumaba sa antas ng mga taong galit sa katotohanang hindi nila kayang tanggapin.
"Huwag mong sagutin ang mangmang ayon sa kanyang kamangmangan, baka matulad ka rin sa kanya." - Proverbs 26:4
Tandaan: Kapag ang katotohanan ay ikinagalit imbes na pinag-isipan, hindi katotohanan ang problema kundi ang pusong ayaw magpakumbaba.
01/06/2026
"I've seen worms in sweet fruits, but never in a calamansi."
Lesson: Don't be overly sweet to everyone. Give love generously to those who truly love and value you.
Be kind to all, but keep healthy boundaries. And when experience teaches you that someone cannot be trusted, it's wisdom not bitterness to step away. Not everyone will like you but it's okay.
"Above all else, guard your heart, for everything you do flows from it." - Proverbs 4:23
Be loving. Be kind. But be discerning. Not everyone deserves unlimited access to your life.
30/05/2026
You are blessed kung hanggang ngayon buhay pa ang nanay mo.
Mga anghel sila na ipinagkatiwala ng Diyos para mahalin, alagaan, at gabayan tayo. Kaya habang nandiyan pa sila, ibigay natin ang respeto, oras, at pagmamahal na deserve nila. Ganun din sa mga tatay na tahimik na nagsasakripisyo para sa pamilya.
Pero aminin natin… iba talaga ang mga nanay.
Madalas mo lang maaappreciate ang mga sermon nilang paulit-ulit, pangungulit na kumain ka na, at tanong na ‘nakauwi ka na ba?’ kapag wala na sila.
Mamimiss mo yung mga luto nila na kahit simpleng pritong itlog, parang buffet sa sarap. Hahanapin mo yung hagod sa likod kapag may sakit ka at yung simpleng haplos na parang may healing powers kaysa Bioflu. 😅
Mga nanay lang din ang kayang humalik sa sugat natin nung bata tayo… tapos biglang “okay na” kahit duguan pa tuhod mo. Certified miracle worker talaga. 😂
Sila ang unang nasasaktan kapag malungkot tayo, at sila rin ang pinaka-proud kapag may naabot tayong tagumpay. Kahit maliit lang achievement mo, ikukuha ka agad ng litrato na parang nanalo ka ng Olympic gold medal. 😄
Kaya kung may nanay ka pa, yakapin mo siya. Sabihin mo: ‘Mahal kita, Nay. Salamat sa lahat ng pagmamahal at sakripisyo mo.’
Dahil walang perfect na nanay… pero para sa anak niya, ibinibigay niya ang buong puso niya araw-araw.
"Honor your father and mother.” - Ephesians 6:2
At ito pa: "Her children arise and call her blessed." - Proverbs 31:28
Ako kasi… wala na ang nanay ko. Pero alam kong magkikita pa rin kami balang araw, sa tamang panahon at sa piling ng Panginoon.
Nami-miss ko lang siya… dinamay lang kita. O siya, magpahid ka na rin ng luha bago sabihin ng iba na may hinihiwa kang sibuyas. 😝
Nanay ko pala iyan nasa picture. Buhay man o lumisan na ang nanay mo, pwede mo ba i-post ang magandang picture ng mama mo sa comment section? Salamat sayo. God bless you.❤️
Click here to claim your Sponsored Listing.