Mayor Rhett Angara

Mayor Rhett Angara

Share

Official page of Mayor Rhett Angara
Local Government Unit of Baler

17/06/2026

Maligayang kaarawan po Ka Novy… Mabuhay po kayo hanggat gusto nyo!🎉🎉🎉

10/06/2026

Idolo ko po sa serbisyo publiko…Maligayang kaarawan Bokal Bobong Ong! Mabuhay ka hanggat gusto mo!👍👍👍

07/06/2026

Fellowship kasama po sina Mayor Biboy Vargas, Vice Mayor Tamang Torres, siyam na kapitan ng Bayan ng Dinalungan at 2 kagawad…Happy Sunday po sa ating lahat!👌

05/06/2026

Late Lunch with my favorite daughter…🤪😆😉

03/06/2026

Magandang araw po!

Ang Pamahalaang Bayan ng Baler sa pangangasiwa ng tanggapan ng Municipal Social Welfare and Development Office ay nagsasagawa ng pagpapatala ng mga manggagawa sa sektor ng konstruksyon at mga delivery riders upang makabuo ng isang maayos at napapanahong talaan o databank.

Inaanyayahan ang lahat ng mga:
* karpintero, mason, pintor, electrician, plumber, welder, laborer, heavy equipment operator, at iba pang may kaugnayan sa konstruksyon
* delivery riders

na magpatala.. Layunin ng programang ito na matukoy ang mga manggagawa na maaaring maisama sa mga oportunidad sa trabaho, pagsasanay, livelihood programs, at iba pang serbisyong maaaring ipagkaloob ng pamahalaan at mga katuwang na ahensya.

Mahalagang magbigay ng tama at kumpletong impormasyon upang maging kapaki-pakinabang ang talaang ito para sa mga programa at oportunidad na maaaring ilaan sa hinaharap.
Ang lahat ng impormasyong inyong ibibigay ay mananatiling confidential at gagamitin lamang para sa mga lehitimong programa at layunin ng pamahalaan, alinsunod sa mga umiiral na batas sa pangangalaga ng personal na datos.

Ang pagpapatala ay mula June 4, 2026 hanggang June 8, 2026.

Magpatala sa link na mga ito:

Para sa mga Construction Workers - https://forms.gle/MrXtfKzERsYutYsFA
Para sa mga Delivery Riders- https://forms.gle/RhANakBKaTVSv4Q98

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa.

02/06/2026

Nag courtesy call po sa Munisipyo si Mark Jiro Paulo kasama ang kanyang mga magulang… Finisher po si Mark sa Tour of Luzon at kasalukuyang miembro ng 7-11 team, pagbutihin mo Mark at nasa likod mo ang Buong Bayan ng Baler! Mabuhay ka! 🚴🚴‍♀️🚴‍♂️

23/05/2026

Maligayang kaarawan kuya Jun Milar… Mabuhay ka hanggat gusto mo!👌👌👌

16/05/2026

Maligayang kaarawan po kap Ed Bihasa…Mabuhay po kayo hanggat gusto niyo!👌👌👌

09/05/2026

Happy Mother’s Day po sa lahat ng ilaw ng tahanan
💛❤️💙

Photos from Mayor Rhett Angara's post 06/05/2026

Mga kababayan, habang nasa cellphone kayo, may sasabihin ako na mas exciting pa sa chismis sa palengke. 🌅🇵🇭

Ngayong officially live na ang Aurora.ph, hindi lang tayo basta probinsya sa mapa—tayo na ang bida sa digital world! At dahil mahilig tayong mga taga-Aurora sa pa-contest, inilunsad natin ang Inaugural Travel Bingo. Isipin nyo na lang, ito ang ultimate roadmap para muling ma-inlove sa ating sariling bayan. 🧭✨

Mula sa mga alon ng Sabang hanggang sa dalampasigan ng Casiguran, may 25 spots tayong dapat "ma-check." Opo, 25! Kaya kung balak mong mag-emote dahil sa heartbreak, gawin mo na habang naghahanap ng stamps!

Paano maging "Bida" sa Bingo?

1️⃣ Mag-register bilang Founding Member sa www.aurora.ph. Libre ito, ‘wala tayong excuse!
2️⃣ Pasyalan ang mga Bingo spots. Suportahan ang ating mga lokal na tindahan.
3️⃣ Mag-post ng review at selfie sa portal. Ipagmalaki and Ganda ng ating Bayan para hindi naman nakakahiya sa ating portal. 🤳

Ang ganda ng mga premyo!
• Grand Prize: 3D2N stay sa Costa Pacifica + P5,000 spending perks + maraming regalo mula sa Sponsors.
• 2nd Prize: 3D2N stay sa Bay’s Inn + P3,000 spending perks + maraming regalo mula sa Sponsors.
• 3rd Prize: 4 Joy Bus Round-Trip tickets + P2,000 spending allowance + maraming regalo mula sa Sponsors.
Ang pagsali niyo ay hindi lang para sa premyo. Ito ay para sa ating mga lokal na negosyo at para sa dangal ng ating lalawigan. Ipakita natin sa lahat na dito sa Aurora, ang unang sikat ng araw ay sadyang iba ang hatid na saya.

Ano, mauuna pa ba ang mga turista sa inyo? Mag-register na bago ko pa ma-post ang lahat ng selfie ko at manalo ng Bingo! 🏃💨 https://www.aurora.ph/travelbingo/

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Baler?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Baler
3200