Case closed.ph

Case closed.ph

Share

Know Your Rights, Secure Your Future! CaseClosedPH shares criminology and law-related insights for educational purposes only.

18/05/2026

📹 Pwede bang mag-video ng pulis o enforcer?
👉 Oo, pwede lalo na sa public place habang duty sila.
❌ Pero bawal:
harassin o sagabalin sila
lumabag sa utos ng pulis (kung legal)
gamitin ang video para mag-fake o manira
⚖️ Rule: Pwede mag-video, basta hindi mo pinipigilan ang trabaho nila.

13/05/2026
30/04/2026

⚖️ “May binabayaran ka ba para sa 4Ps sa kuryente?”

Kasi ang sagot: hindi siya simpleng oo o hindi.
⚡ Ang Lifeline Rate / Socialized Pricing Mechanism ay isang programang pinapairal sa ilalim ng regulasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC), alinsunod sa Republic Act No. 9136 (EPIRA Law).
🧠 Ano ibig sabihin nito?
👉 Ang low-income households (kabilang ang 4Ps beneficiaries)
→ binibigyan ng mas mababang electricity rate sa ilalim ng lifeline program
👉 Ang electricity pricing system naman
→ naka-design para ma-recover ng utilities ang kabuuang cost sa loob ng inaprubahang tariff structure
⚠️ Pero hindi ito simpleng “may dagdag agad sa bill mo” o hiwalay na charge.
Ang realidad: ✔ Nasa loob ito ng ERC-approved tariff system
✔ Walang separate line item na “4Ps charge”
✔ Hindi fixed na percentage na automatic idinadagdag
💡 SIMPLE TRUTH: Walang libreng kuryente.
👉 Ang sistema ay nagba-balance ng affordability para sa mahihirap at cost recovery para sa power distribution.
⚖️ BOTTOM LINE: ✔ May socialized pricing para sa vulnerable consumers
✔ May indirect effect sa overall tariff design
❌ Pero walang direct o visible na “4Ps deduction/charge” sa bill mo
❌ Hindi ito hiwalay na dagdag singil
💬 Mas tamang tanong: “Paano bina-balance ng ERC ang fairness at affordability sa kuryente?”

⚠️ DISCLAIMER:
For general informational purposes only and not legal advice.

12/04/2026

A quiet mind, armed with sharp knowledge of the law, is a powerful weapon

02/03/2026

🛡️ “Salus populi suprema lex esto.”
(The welfare of the people shall be the supreme law.)
— Marcus Tullius Cicero, De Legibus, Book III

01/03/2026

“HINDI MO ALAM? KAHIT DRIVER LANG O LOOKOUT KA, PUWEDE KA PA RING MANAGOT SA KRIMEN NG IBA… NGAYON ALAM MO NA.”
“DRIVER LANG? LOOKOUT LANG? HINDI IMPORTANTE SA BATAS.”
Conspiracy: kapag napatunayan, lahat ay may pananagutan, kahit hindi ikaw ang bumaril o kumilos.
🚨 Pwede ka bang makasuhan kahit wala kang hinawakan o ginawa?
Yes. At dito pumapasok ang Conspiracy.
⚖️ Under Revised Penal Code of the Philippines Art. 8, may conspiracy kapag dalawa o higit pa ang nagkaisa at nagdesisyon na gumawa ng krimen.
👉 Kapag napatunayan ang conspiracy:
The act of one is the act of all.
Ibig sabihin?
Kahit lookout ka lang.
Kahit driver ka lang.
Kahit hindi ikaw ang bumaril.
📌 Hindi kailangan ng written agreement.
📌 Pwedeng patunayan sa kilos bago, habang, at pagkatapos ng krimen.
⚠️ DISCLAIMER: This post is for general knowledge purposes only and is not a substitute for professional legal advice.

01/03/2026

📌 R**E SA LOOB NG KASAL – ALAM MO BA?
Marami ang iniisip na “Hindi puwede kasi asawa kami,” pero sa ilalim ng batas, puwede pa rin makasuhan ang asawa ng marital r**e.
Sa Pilipinas, ayon sa Republic Act No. 8353 (Anti-R**e Law of 1997, amended by RA 9262):
R**e ay walang consento sa anumang sexual act.
Kasal o hindi, kung may sexual act na walang pahintulot, maituturing itong r**e.
💡 Tip: Consent is key. Walang sinasabi ang batas na automatic na “yes” sa sexual acts dahil mag-asawa kayo.
⚠️ Disclaimer: Ang post na ito ay pangkaraniwang kaalaman lamang at hindi kapalit ng legal advice.

24/02/2026

🥗 “After serve ng salad, warrant naman.”
Ito ang kakatwang biro ngayon sa comment section matapos maaresto si Francis Leo Marcos (real name: Norman Mangusin).

Pero sa likod ng memes at biro, may seryosong proseso ng batas na nangyayari.
Hindi biro ang warrant of arrest.
Hindi ito gawa-gawa ng social media.
Hindi ito opinion ng publiko.
Bago maglabas ng warrant ang korte, kailangang:
✔️ May reklamo
✔️ May imbestigasyon
✔️ May finding ng prosecutor
✔️ At personal na pagsusuri ng judge
Sa ilalim ng Article III, Section 2 ng 1987 Constitution, hindi maaaring maglabas ng warrant kung walang probable cause na nakita ang hukom.
Ibig sabihin: may sapat na basehan para ituloy ang kaso sa korte.
Pero malinaw din:
Ang warrant of arrest ay hindi pa hatol ng pagkakasala.
Ang pagiging guilty ay napapatunayan lamang sa trial at kailangang beyond reasonable doubt ang ebidensya.
🔎 Meme ang nasa comment section.
⚖️ Rule of law ang nasa korte.
Sa huli, hindi biro ang batas.
⚠️⚠️⚠️
DISCLAIMER: Ang post na ito ay para sa pangkalahatang kaalaman lamang at hindi kapalit ng legal advice. Para sa partikular na sitwasyon, kumonsulta sa abogado.
⚠️⚠️⚠️

17/02/2026

“The law is not meant to scare you—
it exists to remind you that every action has consequences.”

12/02/2026

😢 Estudyanteng tumalon, Driver Na-Involve sa Aksidente sa LRT! 😢

Nakakalungkot at nakaka-heartbreak isipin na kahit malinaw na wala siyang kasalanan, ina-escort pa rin ang driver at nasa custody habang ini-inquest ng piskal at inaayos ang mga dokumento. Para sa marami, hindi makatarungan—parang siya ang pinaparusahan sa isang bagay na hindi niya kontrolado. Marami ang mararamdaman: galit, lungkot, at pakiramdam na dapat manalo ang driver sa katarungan.

Biglang tumalon mula sa LRT ang isang lalaki at nasagasaan ng sasakyan. Ang pangyayari ay sobrang bilis at walang oras ang driver para umiwas. Sa dami ng nangyari, walang sinuman ang makakaintindi sa bigat ng sitwasyong nararanasan ng driver—stress, takot, at pangamba sa kanyang kinabukasan.

Malinaw na wala siyang kapabayaan o paglabag sa batas, kaya puwede siyang walang kaso o ma-dismiss. Sa ilalim ng Article 365, Revised Penal Code, may kaso lang kung may negligence o kapabayaan ang driver; malinaw na wala, kaya walang criminal liability. Ang pangyayari ay maituturing na “fortuitous event”—aksidenteng hindi maiiwasan—kaya
puwede itong maging legal defense sa korte.

Anumang abala na naranasan niya dahil sa legal procedure—mula sa police custody, inquest, hanggang pag-review ng dokumento at ebidensya—ay normal at walang puwedeng habulin, dahil ganito talaga ang legal process na sumusunod sa batas.

✅ Bagama’t nakaka-stress at nakakalungkot para sa driver, ganito talaga ang batas. Ang pulis ay gumagawa lamang ng tamang proseso: ini-inquest ang driver, inaayos ang mga dokumento, at tinitiyak na maayos ang bawat hakbang ng legal process (standard operating procedure). Layunin nito na ma-verify ang lahat ng ebidensya, protektahan ang piskal at driver, at tiyakin na walang maling parusa na maipapataw. Sa huli, ang legal system ay umiikot lang para maprotektahan ang ebidensya at tiyakin ang patas na proseso, hindi para parusahan ang driver kung wala siyang kasalanan.
Lubos na nakikiramay sa pamilya ng estudyanteng pumanaw.
CaseClosedPH

08/02/2026

Justice is not about revenge — it is about what is right, even when no one is watching.

Want your school to be the top-listed School/college in Antipolo?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Antipolo
1870