MrButcher
Motivational Butcher/Vlogger
Liempo slice pang ihaw
Hindi karera ang buhay 💪
13/05/2026
Pre 1 : Tol F.t tayo parang sarap mag bistek ngayon yung tenderloin 😋
Pre 2 : Sakto yan pre ako na sa bigas para sulit ang F.t, mga 2 kilo sapat na satin yun 🤝
Pre 3 : Tenderloin diba yung pinaka malambot na parte ng baboy? Solid yan pre, minsan lang makatikim nyan 🤤
Pre 1 : Ayos! Ako na bibili pre 3 😎
Pre 3 : Sige pre ikaw na bahala 👍
Pre 1 : Akina pambili pre 😅
Pre 3 : Ah kala ko ikaw bibili pre 🤣
Pre 1 : Ako nga bibili eh, akina lang pambili mo. Idea ko na nga, ako pa lalakad, ako pa gagastos? 😂
Pre 2 : Pambihira ka pre 1… sakin bigas, kay pre 3 ulam, tapos sayo ideas lang 🤣😂
“Yung ambag mo pre parang tenderloin… bihira makita!”
13/05/2026
Ganitong beef ang pang atleta 🤣
12/05/2026
Anak : Ma tingnan mo oh ang ganda ng nabili ko!
Mama : biglang natahimik
Anak : O bakit ma?
Mama : Anak… hindi liempo yan… KASIM yan. 🤣
Anak : Ha?! Eh bakit mukang liempo?!
Mama : Yan ang sinasabi ko sayo, wag puro confidence. 😂
Anak : Kuyaaaa niloko moko ah!
Me : Boss hindi kita niloko…
Me : Si mama mo ang hindi marunong kaya dapat si mama mo nalang utusan mo sa susunod. 🤣😂✌️✌️
Mama : Aba ikaw pa may gana magsalita ah, buti nga inutusan kita para matuto ka!
Anak : Ma next time ikaw nalang bumili…
Mama : Sige basta ikaw magbabayad. 🤣
Anak : Ma tama ka pala si kuya pala ang mali 🤣😂
50kilos kalahating baboy ang laki
Mata at pata sobrang lambot 🫰
Tirang pata pang ulam.
Special ribs at kasim napaka ganda 👌
11/05/2026
Customer : Sir magkano kilo ng baboy?
Me : 360 po sir.
Customer : Magkano kilo ng manok at isda?
Me : Manok 185, isda 150 po.
Customer : Ahh… sa liempo magkano kilo?
Me : 390 po sir.
Customer : Ayos ah… magkano naman yang buto-buto?
Me : 330 po.
Customer : Yung pata?
Me : 290 po sir.
Customer : Ay wow fresh ah, parang mainit init pa.
Me : Opo bagong katay po.
Customer : Nagbo-boneless din kayo ng bangus?
Me : Bihira po sir.
Customer : Bakit naman?
Me : Baka po kasi maya maya tanungin nyo ilang tinik natanggal isa isa 🤣✌️
Customer : Hahahaha!
Customer : Magkano nga ulit liempo?
Me : 390 po sir.
Customer : Ang ganda ng hiwa nyo ah… quality talaga.
Me : Salamat po.
Customer : Tsaka parang healthy to ah konti lang taba.
Me : Opo sir balance lang.
Customer : Sige mukang mapaparami ako neto.
Me : sa isip YES! Eto na! Ramdam kona… big buyer to… halos buong pwesto tinanong 🤣
Me : Mga ilang kilo po sir?
Customer : Bigyan moko tatlo.
Me : mas lalong naexcite Ayos!
Me : Sir 3 kilos bali 1,170 po lahat.
Customer : HA?! Bakit ang mahal?!
Me : 3 kilo po kasi sir.
Customer : Hala hindi ah! Tatlong slice lang kailangan ko 😭🤣
Me : Ahhh… ganon po ba…
Me : biglang tahimik habang nagbabalot ng tatlong piraso
Customer : Pasensya kana boss ah nagulat din ako 🤣
Me : Ok lang po sir… sanay naman na umasa 🤣
Customer : Magkano kilo ng gulay nyo?
Me : napahinto Sir… isa isahin kopoba lahat? 🤣
Customer : Pwede ba? Para alam ko presyo bukas 😂
Me : Kala ko po ba pang ihaw tong liempo?
Customer : Oo nga… advance research lang 🤣
Me : Sir parang hindi na po customer to… examiner na 🤣😂✌️✌️
Primal cuts and deboning practice
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Angono