Anao Rural Health Unit
The Official page of ANAO Rural Health Unit
27/05/2026
ANNOUNCEMENT!
Anao Animal Bite Treatment Center will be temporary close due to Training Purposes.
Service will resume on June 8, 2026 (Monday).
22/05/2026
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at mag donate ng dugo sa gaganaping BLOOD LETTING ACTIVITY ng Local Government Unit ng Anao kasama ng Municipal Blood Council, Anao Rural Health Unit at ng PHILIPPINE RED CROSS- TARLAC CHAPTER na gaganapin sa MAY 25, 2026 (MONDAY) mula 8:00AM sa ANAO OLD SB HALL.
"Be a Hero, Save Lives, Donate Blood"
PARA MAGING BLOOD DONOR:
- Edad 18-59 taong gulang
- May timbang na hindi bababa 50kilos/110 lbs
- May sapat na tulog, anim na oras pataas
- Hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras
- Hindi naoperahan sa loob ng isang taon
Napakahalaga ng pagdodonate ng dugo sapagkat maraming mga may sakit na mamamayan ang maaaring matulungan ng inyong kaloob na dugo.
Tara na at makiisa, sama-sama tayong sumagip ng buhay.
18/05/2026
Happy Birthday to our amazing Mayor Gian Pierre O. De Dios! 🎉
May your special day be filled with love and joy! Cheers to another year of success!
13/05/2026
Matagumpay na naisagawa ang Blood Donation Activity ngayong araw May 13, 2026 sa Anao Old SB Hall sa pakikipagtulungan ng Philippine Red Cross, Anao LGU at Municipal Blood Council sa pangunguna ni Mayor Gian Pierre O. De Dios kasama ang Barangay Officials, BHW at Anao Municipal Health Office.
Ang lahat ay dumaan po muna sa medical screening upang matiyak na sila ay maaaring maging blood donor.
Maraming salamat po sa lahat ng mga sumuporta sa proyektong ito at sa mga nagbigay ng kanilang oras at naghandog ng kanilang mga dugo.
Kita kita po tayo sa susunod na Blood Letting Activity.
MABUHAY MGA KAILYAN.
13/05/2026
ATM Blood Letting Activity at Anao Old SB Hall.
11/05/2026
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at mag donate ng dugo sa gaganaping BLOOD LETTING ACTIVITY ng Local Government Unit ng Anao kasama ng Municipal Blood Council, Anao Rural Health Unit at ng PHILIPPINE RED CROSS- TARLAC CHAPTER na gaganapin sa MAY 13, 2026 (WEDNESDAY) mula 8:00AM sa ANAO OLD SB HALL.
"Be a Hero, Save Lives, Donate Blood"
PARA MAGING BLOOD DONOR:
- Edad 18-59 taong gulang
- May timbang na hindi bababa 50kilos/110 lbs
- May sapat na tulog, anim na oras pataas
- Hindi nakainom ng alak sa loob ng 24 oras
- Hindi naoperahan sa loob ng isang taon
Napakahalaga ng pagdodonate ng dugo sapagkat maraming mga may sakit na mamamayan ang maaaring matulungan ng inyong kaloob na dugo.
Tara na at makiisa, sama-sama tayong sumagip ng buhay.
07/05/2026
Matagumpay na naisagawa ang taunang Operation Tuli ng LGU Anao sa ilalim ng pamumuno ng ating butihing Mayor Gian Pierre O. De Dios noong Mayo 6, 2026.
Maraming Salamat sa nakilahok sa aktibidad na ito ng Anao Rural Health Unit
Bagong Anao
06/05/2026
ATM Operation Tuli at Super Health Center.
29/04/2026
Alamin ang mga hakbang na maari nating gawin para sa pag-iwas at tamang pagtugon sa mga heat-related emergencies upang maprotektahan ang iyong kalusugan laban sa matinding init.
Bagong Anao
29/04/2026
Magandang araw mga Kailyan!
LIBRENG OPERATION TULI NA!
Magkakaroon po tayo ng Libreng Tuli sa darating na May 6, 2026 na gaganapin sa ating Anao Rural Health Unit.
A. PAGHAHANDA SA GABI BAGO ANG SCHEDULE NG TULI.
- Matulog ng maaga. Huwag magpupuyat.
B. PAGHAHANDA SA UMAGA BAGO PUMUNTA SA LUGAR NG TULI.
- Kumain ng almusal bago pumunta ng tulian.
- Maligo.
- Magsuot ng maluwag na shorts at magdala ng malinis na underwear na pamalit kung kinakailangan.
- Magbaon ng pagkain at inumin.
- Pumunta ng maaga sa lugar o venue ng tulian dala ang consent form. (First come, First serve basis)
Makipag ugnayan lang po sa ating Anao Rural Health Unit o sa ating Barangay Health Worker (BHW).
Maraming Salamat po. Stay Safe po.
Bagong Anao
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
2310