Paulo Rashid Salcedo

Paulo Rashid Salcedo

Share

Brgy. Kagawad of Brgy.Upli, Alfonso, Cavite

Photos from Paulo Rashid Salcedo's post 17/06/2026

Pagbati sa mga Senior Citizen ng Barangay Upli

Isang mapagpalang pagbati sa inyong lahat, mga mahal naming Lolo at Lola!

Maraming salamat kay Kuya Memo, Pangulo ng Senior Citizens, sa magandang paanyaya sa inyong buwanang pagpupulong. Nagkaroon po tayo ng pagkakataong ibahagi ang iba’t ibang programa at pag gabay na makatutulong sa bawat isa. Nawa’y maging kap**i‑p**inabang ang mga ito para sa inyong kaginhawaan.

Muli, salamat sa inyong mainit na pagtanggap. Mabuhay po kayo at manatiling malusog at masigla! πŸ™

11/06/2026

Mga tropang Balite po dyan p**i basa po. salamat

10/06/2026

πŸ€”

09/06/2026

Announcement!!!
Magandang araw po, may hakot po ng basura bukas, June 10, 2026. Puwede po kayong magdala ng basura sa may malapit sa court bukas na po sana ng umaga para maiwasan ikalat ng ating nga alagang hayop, agahan na lamang po ang pagdadala para hindi maiwan. Sa SAKO po natin ilagay ang mga basurang dadalhin sa court.
Reminder po tanging residual waste lamang po ang hahakutin tulad ng diaper, plastic ng mga chitchirya, shampoo, mantika at iba pa.
P**i segregate narin po para siguradong madadala ng truck bukas.
Ang mga plastic bottles, lata, bote po ay hindi kasama sa hahakutin p**ilagay na lamang po sa muna MRS, separate po ang collection dito.
Magtulungan po tayo para mas maging malinis at ligtas ang ating barangay.

Salamat po sa inyong p**ikiisa upang mapanatili ang kalinisan sa ating barangay.

Photos from Paulo Rashid Salcedo's post 03/06/2026

Ginawa at inayos na po ng inyong lingkod ang sulat para kay Mr. Exequiel D. Robles, Pangulo ng Sta. Lucia Land Inc. Ito ay pormal na pagpapaalala at pagtatala sa napagkasunduan tungkol sa tamang daluyan ng tubig para sa kanilang proyekto dito sa ating Barangay.

Ang sulat na ito ay nakahanda na para lagdaan ng ating Punong Barangay, Hon. Jose Noel Dinglasan. Isinulat ko mismo ang nilalaman at pinasuyo ang pag print nito kay Ms. Rica.

Malugod naming tinatanggap ang mga negosyanteng namumuhunan dito, ngunit mananatiling prayoridad natin ang kapakanan at kabuhayan ng bawat residente ng ating Barangay.

30/05/2026

πŸ‘‹

30/05/2026
Photos from Paulo Rashid Salcedo's post 28/05/2026

MALAKING PAGBATI AT PAGPUPUGAY!

Isang taos-pusong pagbati sa BCPC ng Brgy. Upli para sa matagumpay na pagsasagawa ng proyektong naglalayong paghusayin ang kakayahan sa pagbabasa, pagsusulat, at iba pang aspeto ng edukasyon ng mga mag-aaral sa Upli Elementary School! 🏫✏️

Ang gawaing ito ay matagumpay na pinamunuan ng mga BCPC CHILD REPRESENTATIVE na sina Liraj Fender Salcedo at Christ Nathan Padilla.

Labis din kaming nagpapasalamat sa p**ikipagtulungan at suporta ng lahat ng nakibahagi:
βœ… SELG sa pamumuno ni Jade Nathalie Padilla
βœ… Girl Scouts sa pamumuno ni Rhio Villegas
βœ… Punong Barangay Hon. Jose Noel Dinglasan
βœ… Kagawad Hon. Levina Mendoza
βœ… Barangay Secretary Ana Alilio
βœ… Buong Sangguniang Barangay ng Upli
βœ… Mga dedikadong g**o ng UES sa pangunguna ni Ma'am Guiou
βœ… At sa lahat ng masisipag na volunteers

Bilang pagdiriwang at pasasalamat sa tagumpay, nagsagawa kami ng masayang Boodle Fight kahapon kung saan sama-samang kumain at nagkasiyahan ang lahat! πŸ₯³πŸ›

Maraming salamat sa inyong dedikasyon at pagmamahal para sa kinabukasan ng ating mga kabataan! Ang inyong serbisyo ay malaking tulong sa paghubog ng kanilang kaalaman at kakayahan. πŸ“–βœ¨

Photos from Paulo Rashid Salcedo's post 27/05/2026

Kaninang umaga po, gumawa ang inyong lingkod ng mga ulat ng mga nagawa para sa buwan ng Mayo. Kung nais po ninyong makita ang mga tagumpay at gawain ng ating barangay, malugod po kayong inaanyayahan na bumisita sa ating Barangay Hall.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Alfonso?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Alfonso
4123