TulaXpress
For more kindly support this page
"Hello, guys!
Proud to share my first piece written in our very own Bisaya language."
"ALAS SINGKO SA PAYAG"
TulaXpress
02/07/2025
"Pagitan ng Dalawang Mundo"
📝1.
Alam mo Ikaw yung tipo ng tao;
ang daldal mo, masakit sa tainga
babae ka ba! napakahilig mo sa komedya.
hindi nagtitipid sa pananalita
kahit pa sobra-sobra na
marunong kang makikitungo! oo,
dyan wala akong duda.
kapag tinitigan laging nakangiti
nakabukaka lagi ang labi
hawak mo palagi ang microphone
kahit baguhan ka pa man dun
magaling!
mabilis mo silang napatawa
siguro,
nasanay, kang parati nagbibiro
sanay, hindi ka mapaglaro"
23/06/2025
(Ako si Christine ito aking kwento)
"Sapat ba salitang patawad"
Hindi na ako magrara*on walang dahil-dahilanan, direkta at akma.
Maliwanagan sana maling pagkaunawa
Bali-baliwala nalang suka't at tugma.
Hindi ko alam tataas ang tensyon
Lalakas iyong kutob at hinala.
Baka paroroonan lang ng tentaah
aking katha maging tanda bilang banta.
I. (Part 1)
Una sa lahat abot langit aking tuwa
nakilala kita,Aba!
matagal na kaya akung humiling Kay bathala.
tulad mo palaging laman ng tulang maanghang at matalinghaga, na makasamang titingala sa gabi mapagmasdan ganda ng mga tala.
Makahiga sa bisig madama ang walang hanggang pag-ibig gayundin
makahinga ng sobrang malalim malanghap ang hanging sariwa.
Makalimutan ang lahat na mabibigat pansamantala, ang galing!
problemang para ng walang sulosyon may naidulot malubhang pinsala nakuhang makawala.
Biniyak mo aking paniniwala na ang lahat pare-pareho, lalaking sa una lang magaling.
Tiyak na halimbawa lubos napa-ibig sa taong mababaw ang pagmamahal may ibang layunin.
Binalak lang makatikim maitim niyang hangarin ganun na lang makadikit hindi ako praning.
Mautak sila., malawak din pag-unawa ko pag-iba ng anyo,pagmamaskara malabo, malabong mithiin.
Nung dumating ka
napatunayan mo naiiba ka
Kung mag-aruga alam mo talaga gano ka kamahal at sa kanya mismo gano ka kahalaga.
Talagang iba kapag nasa tamang tao ka
malinaw na malinaw hindi ka kayang saktan katunayan itutulak ka pa paitaas sa panibagong Ikaw.
Sa kanyang pangarap kasama ka binabanggit habang nakatitig gano kaya kalalim kanyang iniisip " seryoso ba aking narinig"?mistula atin ang mundo saglit, HAHA. ( hay naku! pag-inlab ba naman)
HAwak natin ang takbo ng oras maituturi pati kapalaran mailarawan balang araw magandang buhay kinabukasan naghihintay
nasisiyahan, mistulang dyosang sa hangin nangingibabaw. (buhay inlab)
(Nakapasa yung girl sa board exam at yun boy hindi)
( at nakahanap ng trabaho dun sa Doha, quotar)
II. (Part 2)
Nang masungkit pangarap ko
sayo bigo.
Lumipad palayo pasan pangako
emosyon halo-halo.
Walang bibitaw kahit
nasa ibang pulo.
Bukas tayo hanggang
dulo muling magtagpo.
Wag na wag kang maghanap ng ibang mapapangasawa .
Hanggang sa aking pagbalik itatanghal kita sa altar.
Isinusumpa ko ng mapanatag ating loob walang magsasawa.
Magpakatatag ka mahal
Hindi laro pero malakiiing pagggsugal.
(nasa abroad na Yung babae)
sa bawat taon maayos naman daloy pasahan ng sulat
akuy nagagalak bawat buklat ng papel.
Nagtyatyaga kang maipasa mo board exam,
dahil magtrabaho dito bilang isang englisensyado enhinyero(boy).
Aba ayus! pero kung ayaw talaga! makapag-ipon lang ako., uuwi ang nag-iisa mo na anghel(girl).
Hayaan sakin pagbalik inaasam mo yakap at halik na ako rin nananabik mismo aminado. (hmmp🫦)
III. (Part 3)
Dalawang buwan bago makauwi sa pinas
sapat na aking ipon lagpas na din walong taon o higit paninilbihan ko sa dayuhan.
Nang may trahedya naganap hunyo bente-otso 1896 galing kami sa trabaho dalawa kami nurse nakasakay at yun doctor na italiano.
Iisang van tatlo kami nakasakay ako nasa likud mag-asawa sa harap pinakaunang beses ko nakisabay at pinakaunang beses maaksidente ng sasakyan.
maayos naman ang takbo nung una napatulog nga lang ako nung malapit nasa Doha biglang nagising yung van raw, nagloko.,🫨🫨
Yun doctor na Italiano nataranta lalong nagpagiwang-giwang ang van habang kami ng misis niya todo sigaw lahat na ata ng santo nun nabanggit sa amin bibig.
Napakatulin ng takbo ang bilis ng pangyayari sumimplang nahulog dun sa pangpang nahimatay ako saglit, at ng tinanong ko mag-asawa " Doc ayus lang kayo? "walang imik.
Bukod sa hindi makagalaw sakit ng ulong nagdurogo tsaka pagkaipit buong katawan, talagang ang hindi makakalimutan nang aku'y nagtanong nakatrabaho mag-asawa " kung ayus lang ba Sila".
Pagkatapos nun bago kami naisugod wala na akung malay panigurado ulit nahimatay anim na buwan nagpapagaling sa hospital bago nagkamalay sa trahedya napag-alamang ako lang naisalba.(😭)
Pagmulat ng aking mga mata nakakapagtaka ni isa walang maligaya nakakagulat diba tila doctor di ata masaya aku'y maisalba para atang napilitan.
Kinunan nila ako ng panig sapagkat lahat hindi kombinsido sanhi ng trahedya, van nga raw nagloko bat ng matagpuan e ako yung nagmamaneho
"Walang kabuluhan ano ang kahulugan ng pagkakabuhay kung ikukulong pansamantala at kung mapatunayan, hahatulan din ng kamatayan.
Ganito Ba Pugad Ng Dayuhan"?.
Ipinagbintang sa hindi kauri ni walang sapat na imbestigasyon para maakusahan ilagay natin ako nagmamaneho yun ay trahedya
paratang hindi na, makatao.
(mga walang awa)
( hindi tanggap ng pamilya ng namatayan ang pagkamatay ibinuhos lahat sa pinay kanilang pagluluksa , pinaratangan bibitayin para magpantay. Mamamatay )bushyt
IV. (Part 4)
Ilang buwan lumipas unti-unti nanumbalik aking lakas pero rekta agad sa kulungan.
mga autoridad nakabantay sakin sa hospital ng di makatakas kompleto na pala nun mga papeles.
lubos nagmamakaawa't ipinagtanggol ang tama, sumisigaw nagwawala boses napaos, "WALA AKONG KASALANAN."
ni sino walang nakikinig tanging magawa magpabaha ng luha tanggapin ating kapalaran; "mamahinga, alas tres".
(sulat sa loob ng kulungan)
Mahal kong Erwin,
Erwin, mahal! siguro nagtataka ka walang sulat dumarating sa iyo.
huling basa ko ng mga sulat mo
noon pa hunyo.
Malapit na mag-isang taon nagpapadala ka pa ba(SULAT)? ano pinag-aabalahan mo?
nakapasa kana ba(EXAM)? mahal! HAHA (tawa na may lungkot) siguro wag kana tumuloy dito.🥲🥲
dito sa kinalalagyan ko iba ang mundo
basura ang turi sa taong nag-alala.
Nang kami maaksidente tinanong ko pa
"doc, ayus lang kayo" nang malaman ko, AKO PA PINARATANGAN, GINAWANG MALI.
Iwan kong matatanggap mo itong sulat.
hindi ko alam kong mananatili ka pa
Ngunit mahal, kailangan mong malaman ang totoo ako'y nakakulong inuusig sa isang krimen na hindi ko ginawa, gulping-gulpi.
Siguro ang tingin mo sakin dito may bago ng kinakasama wala man lang akung magawa ipagtanggol ano ang totoong akmang pangyayari.
Dyan hindi kita masisisi! sapagkat lahat, wala kang alam sa tunay na ganap tanging kausap ko ngayun pader, bobong, at peste.
kung kaya lang sana bumulong ng lamok sa iyo siyang maglalahad sa aking karanasan, aking kaluluwa lilisan mapanatag, mapayapa.
Siya lang kasi bukod tangi nakikinig sakin dito hanggang sa maghating gabi.
kung nuon kinaiinisan pa natin sila, sa tuwing sa gabi tayo ay humihiga pinagmasdan ang langit, sa ganda nitong mga tala .
Ngayon hindi ko na sila pinapatay bagkus hinahayaan baka karma dadating tuluyan , Gaggi.
dito sa loob, Ang lamok na lang ang nagmamahal sakin ng walang hinihinging kapalit,
pwera lang cguro sa dugo ko.
naiintidihan ko siya ng malalim dito siguro dahil pareho kaming walang boses at kung meron parehong papatayin sa mundong ito.
(pagkakabitay)
KAYA MAHAL;
Erwin, maraming salamat sa lahat;
Sa pagmamahal, sa tiwala, sa mga pangarap na ating binuo kahit na sa ganitong sitwasyon, hindi ko pa rin makakalimutan ang ligaya na iyong eeeibinigay .
Erwin,Ikaw ang nagturo sa akin na mayroong tunay na pag-ibig.
Patawad kung winasak ko ang lahat ng iyon, patawad kung hindi ako naging karapat-dapat sa iyong pagmamahal,
patawad kung ang ating magandang simula ay nauwi sa ganitong trahedyang aking pagkakabitay.
sa trahedya wala akong kasalanan
tinig ku'y patawad sating sinumpaang pag-ibig.
Kung mayroon man akong hihilingin, sana'y huwag mong hayaang kainin ka ng galit at pighati.
Ang patawad ko hindi sapat para sa lahat!
paalam, mahal Kong Erwin hanggang sa muli.
Bago itatapos ko itong sulat wag muna tuparin ang sinumpaang pangako, sana makahanap ka ng babaeng higit pa sa tulad ko.
Hindi ko alam! pano kita muling mahagkan , hindi ko alam! may Christine ba babalik dyan,lahat na walang katuparan, malabo.
Hanapin mo ang kapayapaan at kaligayahan na nararapat sa iyo, huwag mong sayangin ang iyong buhay Erwin sa paghihintay sa akin.
malapit na Alas tres Mahal! Ang kampana tutunog hudyat sa taong malaking kasalanan harapin aking kapalaran mag-ingat ka, tangi kong bilin.
V. (Part 5)
Marahas kinaladkad palabas ng alagad ng batas.
panahong wala akong ibang naiisip kundi ang pamilya ko sa pilipinas.
mahalagang panahon naisilang napabilang, sa pamilyang buenas.
BUENO, tinalikuran ko sila para masungkit ang diamante kahit, pamilya'y perlas.
bawat paghakbang ng paa isa-isa
siyang pagbalik ng aking alaala.
Siyang pagbagal pag-ikot ng orasan
mabalikan kapunuan ng maligayang nagdaan.
pano ko nakilala aking minamahal
bukas-palad tinanggap ng aking pamilya.
"magalang ho ito si Erwin"
hindi makakalimutan tumatakbo sa isipan.
Ang oras ay tila huminto
sa harap ng pangatlong palapag ako nakatayo.
bawat pahinga ang mundo'y mabigat sa dibdib.
bawat paglipas mas lalo pa naging mapanganib.
tit-tak ng orasan parang aking nadidinig
sumisigaw humihingi ng saklolo pero kanino?
nakatayo aking balahibo kanina pa to--
nanlalamig aking katawan mula sa mensahing pabulong himig mula sa hangin.
iba aking kutob titiklop na ang orasan palubog na ang araw, nagsibagsakan na ang ulan dadating na aking sandali., nakasalalay sa tali.
namumula-mula aking mga mata, pusong kumakalabog ihahatol na maya-maya ang kamatayan hindi ako matitinag dahil hindi ako ANG salarin.
nakalabas man ang ngipin nakangisi ng labis natupad na ang nais nakaluwal ang dila sa pamilyang namatayan parang nagkasala talaga ako ng matindi.
lumapit na sa akin ang opisyal
tinanong pa ako "handa na ba ako".
sinagot ko sila ng Tagalog mga ****** *** niyo.
kakatapos ko lang nun magdasal at napadasal ulit "yan ang pasya niyo eh di go".(ulit nagpakabait sa bingit ng katapusan)
Marahan kong naisabi yun bago inayos ang tali at pahila, Isang malaking tela ipinambalot
nagsisigawan lahat ang sabi "quisas".(paghihiganti o kaparusahan/katas)
handa na ako buong-buo aanhin ang takot sasabayan ko ang sigla niyo hindi ako magpapasindak "tara QUISAS".(paghihiganti o kaparusahan/katas)
habang ang lahat nagpalitan ng sigaw ako'y nabubuang dumaloy padausdos ang luha at nakikipagpalitan ng putok sa kanila kahit maiitim lang nakikita. (dahil sa telang ibinalot sa ulo)
Wala na talagang laman aking kukuti, ang utak ay lumulutang sa ere, pumuputak ano-ano na lang pinagsasabi at wala naman may p**i.
narealize ko ay may nagbabasa pala sa gitna at yun bahaging patapos ko lang nadidinig animo'y galit na galit tono ng pananalita.
pero bat natahimik bigla.
limang segundo.
wala pa rin nagtangka.
labinglimang segundo.
Wala pa din gumagawa ng ingay.
suhestiyon ba ito ng pangalawang Buhay?.
( HAHA natawa pa ako konti)
, NGAYON, hinila ng mabilis ang lubid.
mabilis akung napapikit "dyos ko".
kasabay pagyuko ng aking leeg.
pinagtataka ko "Ha?" "buhay Ako"?.
ayun sa pag-alis ng telang nakasuot.
dun ko napagtanto, hinila pala para iligpit ang lubid.
pero anong dahilan pagtanggal ng hikot.
at nawala na rin mga tao sa harap at gilid.
pina*ok na ulit ako pabalik.
at dun na lang naliwanagan.
Yung taong galit na galit.
nagtulong sakin mailigtas mula kapahamakan.
Hindi ko lang naiindintihan binabasa,
kasi nga nabubuang.
tapos lahat nagsigawan ng hindi matanggap, kalaunan nagsialisan.
(part 6)
Muli ako ibinalik sa loob.
Sa pagud diritso agad nakatulog.
Muling nagising sa gabi medyo banda alas nuebe.
Aking mata nanlaki ng merong pagkain ng katabi.
Katabi ng makukulay bulaklak, nakatayo.
"sosyal halata to mamahalin".
At may maikling papel nakatago.
Hindi ko masyado binigyang-pansin,
ibinaling ko aking pagtingin,
gutom sa pagkain.
Pero, may sulat wikang English,
kapag isinalin.
"Aking asawa". (hayst)
agaw-pansin, kamusta ka Erwin!
kanino kaya to galing?
(habang kumakain,naglalakbay ang diwa)
Nang may kumatok sa pinto
kakapagtaka, hindi naman ako nagsarado.
"Ang susi po nasa inyo" (Christine)
ngumiti siyang may galang, "nakakapanibago".
Niligpit aking pinag-kainan, ni-lock ang pinto tsaka umalis.
Tsaka ko naalala ang taong "still napakamisteryoso.",
Aku'y kanyang iniligtas! possible ang ka*o kanyang nahimatis?
pero sino ba siya, sa tono mo,
dayuhan ka hindi ka rin taga dito!
Nais ko lang malaman iyong pangalan.
Makapasalamat man lang ng formal, harap-harapan.
Handa akong pagbayaran, masuklian iyong kabaitan.
napakatapang niyo po sir🫡
salute kahit mga Arabian.
At may kumatok ulit sa pinto
Iwan ba't naging matino po
mga tao rito,
na-miss ko ata dahas nilang pangangaladkad.(HAHAHAHAHA)
Ngayon sa nakikita ko, purong-puro sila police officers at ang sabi pinatawag ako sa kanilang pinuno ng pangalan ay "Noypi".
Hindi ako nagalinlangan sumunod sapagkat ang hanap ku'y kasagutan, dahan-dahan puma*ok sa loob at hindi naman ako nabigo saking hinangad.
Malamig kanyang boses p**inggan animo'y,
kumakanta, napakagalang kong magsalita, animo'y walang alam pano magalit plus mukha niya animo'y, parang napakainosente.
Nang makumpirma kong siya nga.
Agad akong napaiyak ng napadapa.
ngunit pinatayo niya rin ako.
di lang dahil sayo.
pinatay na nila ako.
Nag-usap kami ng masinsinan patungkol sa ka*o, pagkatapos ng taos puso kong pagpapasalamat .
Malugod niya rin namang tinanggap
dagdag niya "nararapat karapat-dapat siya,"
sa kanyang tungkulin.
Dagdag niya mas maigi sa bahay nila muna ako makitira.
Habang di pa lubos tanggap ng namatayang pamilya aking paglaya.
Malalaki nga raw sila,hindi basta-basta na tao mayayaman at politiko pa.
Kaya pwedeng magkataon kong kulungan hindi solosyon, armadong hawak na baril korenta-singko bahala.
Dagdag niya habang ang ka*o pinatibay na talagang wala akong kasalanan.
Sa kanyang bahay magpalamig na lang muna ako.
tanging kanilang alalay at a*o kasama ko dun.
bumibisita lang siya, dahil sa kanyang trabaho.
super ligtas ako dun, cctv magdamag naka-on.
Hindi na ako lalabas,
dahil may katulong.
Sinubukan kong tumanggi sa kanyang alok pero tama siya tinanggap ko na lang.
Lalo't nabigkas niyang maaring tatlong buwan lang ako mamalagi, kung yun matagumpay mapatunayan.
Buo na tiwala ko.
malinis na ang ka*o.
mabaliktad man ang mundo.
ligtas na si Christine.
(part 7)
At tulad ng inaasahan tatlong buwan
akong namamalagi.
Araw-araw niyang kinakamusta at bago matulog nakikipagkwentuhan, gabi-gabi.
dun ko rin malaman.
Na may lahi siyang Pilipino-Arab
Sa pinas nga raw siya lumaki.
"Noypi" kanyang bansag
gustong niyang palayaw dito sa quotar ayon saking pagkaintindi.
Lubos akong napahanga
perpekto na siyang halimbawa
sa pagiging makabayan.(HAHA)
Matatapang nga ang Pilipino,
pero, sobra-sobra naman yun, iyong ipa-papangalan.😆
Alam mo at anong pinakahinahangaan ko sa lahat?
Bagama't oo tindig balahibo kong magalit subalit magpapasikat, grabi
maglambing napakalamig, hindi nakakasawa kahit paulit-ulit.
Kaya minsan, na miss ko siya eh!
ang sarap p**inggan sa tenga kanyang boses, nakakaaddict.
May gayuma ba dito sa quotar pre?(HAHA)
Dagdag mo pa
ang mala-paraiso ganda
Sa bahay niya.
Sa palagay mo
babalik pa kaya
Ako?
(HAHA)
Matangkad nga lang siya pero pure pinoy kanyang hitsura.
Na may malaking pangangatawan at ang, napakainosente na pagmumukha.
Hindi siya maputi, di rin maiitim.
Hindi matangos, di rin pango.
Sakto lang at hindi mahirap mahalin.
Mahalaga, kabutihan sa kaloobang anyo.
Umabot na ng apat na buwan,
hindi ako nakakalabas.
At ngayon sa wakas may dalawang balita, dumating.
Aking saya tila walang mapaglagyan,
mula mapait na dinanas.
Namuti aking balat at nanlamig aking Mukha, napailing.
Malinis na malinis na ang pangalan ko.
Natanggap na rin sa kabila,
na wala talaga akong atra*o.
Malaya na ho ako at hindi kinakailangan magtago.
"Salamat sa lahat Noypi"
lahat ng to, pagsusumikap mo. (sabay yakap)
Ang sabi ni Noypi
Gusto humingi ng patawad,
ang namatayang pamilya
sa malagim na aking dinanas.
Kahit parang ako'y nag-aalinlangan
kaagad namin pinuntahan at
palihim na may nakatagong armas.
Pero, ang patag ng usapan
inurong nila ang ka*o, kadahilanan
wala naman talaga akong kasalanan.
Lahat ng yon kanilang kagag*han.
Agad tumayo nagmura si Noypi.
Buti na lang napakalma ko siya kaagad.
hindi na siya dating napakainosente.
Sabi niya "bilang sa batas siya'y alagad".
"Kaagad Christine magpasya ka"
iyong ba kakasuhan sila?
(napailing ako't nagsabi)
"Bunga yun ng malalim na emosyon,hindi na.
Nangyari lahat ng yun dahil sa, walang makatarungang pag-iimbestiga."
(nakayuko ang lahat pwera Kay Noypi)
Nawa'y ito malinaw na aral
Walang papanaw dito may busal.
(3 days after)
Habang nag-iimp**i ako't, sa pagbalik sa pinas nanabik.
Masayang gumagalaw na parang sumasayaw, grabi napakasigla.
"Byahe"
Mula sa napakatahimik na probinsya, lalakbayin ang syudad
walang ideya anong mangyayari sa daan,
haharapin may tapang
sa syudad pagtitibayin aking buto,
palalawakin ang capacidad
kong may pag-asa makukulayan ang panaginip,
sisikapin kahit pagapang.
l.(Buhay sa probinsya/Buhay na comfortable Kasama mga mahal sa buhay)
Sa probinsya kalmado ang hangin,
walang sumasalungat
ang pagmamaneho ng kotse matulin,
paakyat lahat
bawat hamon hinarap ng mahinahon,
samut-saring sitwasyon
huwag manatili sa comfort zone,
bukod-tanging pagbangon.
II.(Papunta sa syudad/patungo sa ambisyon)
Buti na lang mataas ang pasensya,
dun pa sa probinsya
kasi sa byahe lubak-lubak ang daan,
medyo mabato-mabato daming nag-uwian
Kay dami nauna paharorot ang takbo,
pero bumalik din nabigo
matuto ka kahit mag-isa at mahinahon,
pagiisip ang paiiralin hindi emosyon
III.(Marating ang syudad/syudad o ambisyon)
Marating ang syudad na pinapanaginip,
mapuntahan ang pinupuntahan
dagdagan ko ngayon aking kaalaman,
punan ang kulang
ang tiyaga dodoblehin wag magtipid,
sipag ang puhunan
Lalo MAGHANDA lalo't may pag-asa,
aasahang may aasahan
IV.(tagumpay/pagharap sa syudad)
Ngayon nariyan bumubulong ang ingay
bawat sulok ay may libo-libong kwento
bat sila andito sino-sinong nagsasabay
kanilang inspirasyon sa likod ng pagtakbo
sa takbo ng byahe
panalo iyong, matatag
hindi dahil siya'y panghuli
kundi gutom makausad
kay rami nakilala sa daan
iba't ibang lugar pinagmulan
hugot masalimuot na nakaraan
hanggang kwento ng napagtagumpayan
lahat tayo may kotse
pero ang iba nakikisakay pa
magkalaman lang ang bagahe
atleast malinis ang pakay nila
malalaman rin bandang huli
aalis ba o mananatili
Sa pagmamaneho ng buhay
inaalam kailan dapat priprino
humarorot, hihinto o sisilbato
magmamabilis kaba sa makurbada
ayus lang kong kabisado mo ang kalsada
maiging maingat sa bawat dinadaanan
lalo't ang iba walang palatandaan
ang pagkakaiba sa syudad at probinsya.
TANDAAN MO‼️
Dapat handa ka, tol
sa iyong pagtahak
kahit dahan-dahan tol!
basta yun tiyak.
san ba na syudad
balak mo magtungo?
baka ibang bansa yan!🔥, demn
"Ulap"
Bilang aking pagrespeto
at lalaking kayang
ibigay ang lahat basta ikaliligaya mo.
Papayag na akung ikay pakawalan
labag man sa aking damdamin at kalooban.
Di man katulad dati
gigising parati na may lambing
di kita pipilitin,
wala namang ibang hahantungan.
Mag-isa akung nakatindig, at pilit nakikipaglaban.
May paraan ba upang
maisagip ng ulap pagbagsak ng ulan? Masyado ng mabigat
Ibuhos ang lahat
pagiging tapat,
hindi sapat bawat patak,
malabong maagapan,
lalo't ako na lang siyang humahawak."
Oo,bagama't matagal
kitang naipon ng buo bat nakaya kitang pakawalan.
Dama ng ulap ang takbo
naghahanap ka lang ng butas ulan,
siyang gagawing dahilan ng hiwalayan.
At yun nga, tama ako. Aku'y tama ulan
nang nagkamali sapagkat tao lang,
agad-agad ginawa mong paratang.
HINDING- HINDING-HINDI siguro para tayo ipinagtagpo sana,
pero mismo ikaw
nagpahinto, inibang pilit mo ang kwento,
ng tadhana.
Tanda ko pa pano kita nakilala;
Nung ika'y madaanan sa palengke
mga luha't natutuyo sa mukha
tinanong okay kalang miss wala namang sinabi.
Walang-pagdadalawang isip ipinagtimpla ka ng kape.
Mainitan man lang maibsan iyong dinaramdam,
tsaka ko lang nalaman buong detalye.
Wasak ka at nanlalamig kaawang-awa, kadahilan dinaig kong maisagip
para kang pira*o-pira*ong yelong basag
bago madurog ng tuluyan
ang sabi ko "hindi ko pahihintulutan
hayaang tulungan ka kahit hindi mo kinakailangan."
Ang sabi mo "tulungan"? e para san kung "ilang taon nang baon sa kalungkutan.
May sinag ba mula sa araw kapag ang langit nandidilim parati natatakpan ng makakapal na ulap
pano sisikat ang araw, pano magliliwanag?
Napangisi ako't napasabi "pahintulutan mo lang akong ika'y mapangiti" aking saad
pagkatapos umuulan "ulap at ulan "
ating bansag
Napalapit tayo lalo sa isat'isa
pero habang tumatagal
umiba ng lasa
mas umalat ka pa.
Porket nabuo na kesa sa dati
ABA, nanlalamig.
Nadaig ata yelong natunaw
hindi na yung dating ikaw,
dating pag-uugali,
dating may asal,
dating madasalin pa
sa atin palagi.
Ibinaliwala mo aking pagud.
nangiba ka ng bakud.
Kaya kung sino
man darating
sa pangalawang yugto
Iginiit
kapag muling mapaibig
wag sana tulad mo
O ikaw ulit.
Sa pagbagsak mo mula troposphera, Ulan
kasabayan ng pagpatak ng aking luha
panghahawakan ko nalamang ang lahat
ng iyong pasasalamat.
Naipon at nabuo kita sa mataas na panahon.
Minahal kita ng totoo at wagas kahit man anong panahon.
Mananatili to nakamarka
sa puso't memorya.
Salamat sa alaala, estranghera.
Tanging
habilin ko, sa pagtahak mo ng ibang landas,
Ikay maging masaya.
Napamahal lang ata ako ng sobra.
Ang mahal nakikita ba naman ng iba,
iyong halaga.
"Aking nababatid
Gaano kayo kalalim kalapit
Hihigit pa dun
Dulot nitong sakit".
-ulap
Click here to claim your Sponsored Listing.