OFW Power
Ang layunin namin ay tulungan kayong mga kasama naming OFW na magkaroon ng kaalamang Financial (Fin
Click here to claim your Sponsored Listing.
1 MILLION Financially Literate OFWs by 2024
Ang isa sa pinakamalaking problema (kung hindi man ang pinakamalaking problema) na hinaharap ng mga OFW sa ngayon ay ang kakulangan ng edukasyon ukol sa kaalamang pinansyal o financial literacy. Ang resulta, maraming OFWs ay walang sapat na ipon o walang naipundar na investment pagkatapos ng mga taon ng pagiging OFW. Dahil ang financial literacy ay hindi aktibong itinuro sa ating mga paaralan, maraming mga OFW ang hindi nakauunawa kahit sa simpleng konsepto ng compound interest at halos walang kabatiran ukol sa mga paraan upang mapalago ang kanilang kinikita sa pamamagiutan ng INVESTMENTS.
Pinasimulan ko ang proyektong ito upang maikalat ang kamalayan una na sa aking kapwa OFW ang ukol sa financial literacy. Ang sabi nga ni Jim Rohn "your formal education will make you a living but your self-education makes you a fortune"! Narito po kami para magturo sa lahat ng aming kapwa OFW ng mabisang paraan ng pag-IIPON, pag-ba-BUDGET at pagpapalago ng kanilang pera sa pamamagitan ng INVESTMENT.
Kaya kung ikaw ay isang OFW, ang OFW POWER ay para sa 'yo! Kahit hindi OFW, kung gusto mong matuto ng mga kaalaman kung paano maingatang mabuti ang iyong kinikita, gaano man kaliit yan, ang OFW POWER ay para sa iyo!
Maaari mong panuorin ang ating mga FREE educational videos ukol sa BUDGETING, SAVING at INVESTING. Wala kaming binebenta dito o hinihinging kapalit sa iyo kundi: