Alabat Sangguniang Bayan

Alabat Sangguniang Bayan

Comments

Taga Quezon Province Ako I Parini na kayo at inyong subukan, Pasyalan ninyo, aming lalawigan, Na Tayabas Province ang dating pangalan, Probinsya ng Quezon, ngayo'y katawagan. II Binubuo ito at nasasakupan, Apat na distrito, buong lalawigan, Umpisahan natin sa Norte't Silangan, Ang Unang Distrito't kanyang mga bayan. III Uunahin natin, mga islang bayan, Doon sa Polilio, Burdeos, Panukulan, Kasama na dito, Jomalig, Patnanungan, Sa kabilang pampang, Infanta at Real. IV Katabi rin nito, ang General Nakar, At sa ibaba nito, Sampaloc, Mauban, Isama pa natin, Pagbilao at Lucban, At isa pang lungsod, ang Tayabas naman. V Paroroon tayo, Ikalawang Distrito, Lungsod ng Lucena, bayang San Antonio, Matatagpuan din, Candelaria dito, Dolores at Tiaong, Sariaya po ito. VI Ikatlong Distrito, atin namang pupuntahan, Bondoc Peninsula, ito'y ating iikutan, Mga bayan ng Agdangan, Padre Burgos at Unisan, Pitogo at Macalelon, at General Luna man. VII Tayo naman ay dadako, sa may parteng Catanauan, Mulanay at San Francisco, ito'y ating dadaanan, Mga bayan ng San Andres, maging Buenavista man, Pati hanggang San Narciso, ito'y ating papasyalan. VIII Ang pang apat at panghuli, na Distrito ng lalawigan, Mga bayang nasasakupan, humahantong sa Kabikolan, Gaya na rin ng Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Sa katabing probinsya, malapit na sa hangganan. IX Mga bayan sa baybayin, ng Lamon Bay ay alamin, Mula Lopez at Gumaca, hanggang sa Plaridel, Kasama na ang Atimonan, doo'y ating tatawirin, Mga bayan sa isang isla, na Alabat kung tawagin. X Doon nama'y makikita, bayan ng Perez at Quezon, At kapangalan din ng probinsya ng Quezon, Gaya rin ng Alabat, na hinango doon, Sa ngalan ng isla, kung sa'n ito naroroon. XI Ngayong alam nyo na, iba't ibang mga bayan, Na syang bumubuo, sa ating lalawigan, Magagandang tanawin, maririkit na mga lugar, Kayo'y humanda na, ito'y ating pupuntahan. XII Unahin na natin ang "Kamay Ni Hesus", Nasa bayan ng Lucban, hindi doon natatapos, Malagonlong Bridge, Villa Escudero na maayos, Nasa Tiaong at Tayabas, doon tayo maglalagos. XIII Balagbag falls ang sa Real, Bantakay falls sa Atimonan, Borawan Beach, Padre Burgos, Tuhain Beach sa Catanauan, Tourist Spot na mga isla, Cagbalete sa Mauban, Sa San Andres naman, isla ng Alibijaban. XIV Hindi naman pahuhuli, Kutang San Diego ng Gumaca, Binumbunan, Jomalig Sand Bar, magagandang isla, Kwebang Lampas ng Pagbilao, kayo ay magtataka, Puting puti ang buhangin, parang nasa Boracay ka. XV Quezon National Forest Park, sa Pagbilao-Atimonan, Sa Lucena City, Perez Park ang katuwang, Ugo Bigyan Pottery Art, sa Tiaong matatagpuan, Ihabol pa natin, ang beach ng Dampalitan. XVI Dumayo naman tayo, sarisaring Festival, Sa Quezon Province lamang, doon ninyo maranasan, "Mayohan" sa Tayabas, "Pahiyas" sa Lucban, Sa Quezon, Quezon ay "Yubakan", "Tagultol Fishing" sa Atimonan. XVII Nariyan din ang Festival, ng "Baluarte" sa Gumaca, "Katang" sa Calauag, "Agawan" naman sa Sariaya, "Sinampalukan" sa Sampaloc, "Candle" Festival sa Candelaria, "Lilay-Coco" ng Unisan, "Pasayahan" sa Lucena. XVIII Kasama rin dito, "Boling Boling" ng Catanauan, "Lubid Lubid" sa Tiaong, "Gayang" naman sa Guinayangan, "Taytsinoy" ng Tayabas, "Bilao" sa Pagbilao, "Malagkit" ang sa San Antonio, "Fluvial Celebration " sa Real. XIX Idagdag pa natin, Festival sa Mauban, "Maubanog" baga, kanyang katawagan, At sa Padre Burgos, "Lagimanoc" naman", Nagbibigay ito, purong kasayahan. XX Atin namang kilalanin, ilang mga personalidad, Na sa ating lalawigan, malaki ang naiambag, Nagbigay ng karangalan, kabayanihang hindi hamak, Tayo sa kanila ay magpugay, pagkat 'yon ang nararapat. XXI Sa larangan ng politika, atin namang nakilala, Dating Pangulong Manuel Quezon, at si Lorenzo Tanada, Si Tomas Morato, Hermano Pule ay kasama, Pasasalamatan natin, sa kagitingan nila. XXII Pagdating sa sining, maraming taga Quezon din, At sa dami nila, di ko kayang lahat ay banggitin, Si Aiza Seguerra, Marcelino Pomoy, At Zanjoe Marudo, sa Calauag pa nanggaling. XXIII At si Anna Capri ay taga Infanta, Si Romeo Vasquez, ay Tayabas pala, Guinayangan naman, Alice Dixson na maganda, At Lily Monteverde, na Regal Films ang pelikula. XXIV Sa haba ng tula ko, baka kayo ay magutom, Inyo namang meryendahin, Sariaya pinagong, Yema cake ng Rodillas, pwedeng pasalubong, Samahan nyo ng budin, kalamay at tikoy. XXV Inyo na ring tikman, pancit habhab pa ng Lucban, Kasama ang longganisa, na katakam takam, Pwede nyo rin gawin, itong pampulutan, Sa pag barik ng lambanog, hwag lang kayong maglasingan. XXVI At sa mga tao, lugar man o bagay, Na di ko nabanggit ang mga pangalan, Hwag magtatampo, kayo'y di nalimutan, Paumanhin lang po, huwag magdaramdam. XXVII Sa aking palagay, sobra na ang kahabaan, Nitong aking tula, sa aking kababayan, Kaya dapat lamang, aking bigyang katapusan, Upang di na humaba pa, at inyong sawaan ... ....Cesar C. Caparros

the legislative body of the local gov't. unit wherein the primary function is to pass,enact and approve resolutions and ordinances beneficial to the public

Mission: A Sangguniang Bayan that is more pro-active, development-oriented, participative legislative process, responsive, transparent and effective legislative body of the municipality of Alabat that will ensure better quality life of the people.

Operating as usual

HAPPY FATHER'S DAY po sa lahat ng tatay namin sa Sangguniang Bayan Family with special mention to our VERY RESPONSIBLE TATAY V-Mayor JIM GLOR... maraming salamat po sa magandang pagsasamahan sa loob ng ating ikalawang tahanan-ang ating tanggapan... we love u all

[03/30/15]   "In this season of lent, it is a favorable time to renew our journey of faith, both as an individual and a community with the help of the Word of God and the Sacraments"...

-His Holiness Benedick XVI

Alabat Sangguniang Bayan's cover photo

Alabat Sangguniang Bayan's cover photo

Alabat Sangguniang Bayan's cover photo

The Sangguniang Bayan family

Sama-samang breakfast ng SB family on their way going to PCL national conference @ the mall of asia...

Alabat Sangguniang Bayan's cover photo

Alabat Sangguniang Bayan's cover photo

HAPPY BIRTHDAY COUN. EMBIE SORIANO

the Sangguniang Bayan joins the BRIGADA ESKUWELA 2014 at Alabat Central Elementary School & Alabat Island National High School,, May 19-23, 2014

The Sangguniang Bayan poses together with the Barangay Treasurers of Brgy. Poblacion 1, Bacong, Pambilan Sur & Villa Victoria after the approval of their barangay supplemental budgets during the 19th Regular Session held on May 19, 2014.

taken during the opening of Alabat Summer Sports League 2014 with Gov. David "Jayjay" Suarez & Board Member Rhodora "Doray" Tan

Visit of SSS President, Mr. De Quiros (March 21, 2014)

Alabat Sangguniang Bayan's cover photo

the Sangguniang Bayan during 11th regular session,,
visitors: Punong Barangays of 19 barangays of Alabat, Quezon

the Committee on Ordinances and Legal Matters busy with their deliberation during the committee meeting

Alabat Sangguniang Bayan's cover photo

Want your business to be the top-listed Government Service in Alabat?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address

Alabat
4333
Other Alabat government services (show all)
Discover Alabat Discover Alabat
Alabat, 4333

A 5th Class municipality in Province of Quezon, Philippines, in the southern part of Luzon (Region IV-A). It is a town located in the center of Alabat Island - the Municipality of Perez on the northwest and Municipality of Quezon in the southeast.

About   Contact   Privacy   FAQ   Login C